Chapter 11

2.6K 117 32
                                    

Awkward
--

It's already midnight ng makarating na kami sa Manila. Salitan kami ng pagdadrive ni Maxine kahit na ayaw ko but she insist kasi baka makaidlip daw ako while driving. Tama naman sya. Wala pa rin kaming kibuan habang nasa byahe unless sasabihin niyang siya na ang magdadrive or it's my turn.

Nung makarating kami sa rest house nina Tito Michael kanina, naamaze pa rin ako sa ganda nito. Although there are changes na napansin ko but still, it's the same rest house na tinutuluyan namin noon whenever sasama ako sa kanila during vacation.

I just dropped by Maxine sa condo niya. Hindi na sana kami uuwi but Maxine insisted kasi may commitment pa raw syang dadaluhan bukas. Kahit na pagod ako, wala na rin akong magawa. Gusto ko rin kasing umuwi because I don't even have my spare clothes.

Pumunta na ako sa kwarto at agad humiga. Nasa isip ko pa rin ang ginawa ko kanina? Medyo gumaan naman ang pakiramdam as to what Ms. Jinri told me. She's right. Andami ko nang karibal kay Maxine.

Maxine's POV

"Are you sure about this? I mean bakit biglang nagbago ata ang isip mo?" Tanong ng manager kong si Kira via video call.

Kasalukuyan akong naghahanda ng mga gamit ko para sa photoshoot na pupuntahan ko. 

"Yeah" Tipid kong sagot, napabuntong hininga naman siya.

"Alam na ba 'to nina Macky at ng Tito mo?" sabi niya, umiling lang ako.

"Ano ba talaga nangyari May? Magtapat ka nga. Bago ka umalis dito, sinabi mong hindi ka tatanggap ng trabaho jan as a model, pero nung isang araw tinawagan mo ako at pinapapunta jan to fix everything about your schedules --"

"Because I want to? --" 

"Kilala kita Maxine Ysabelle. Lokohin mo sarili mo, wag ako" Sabi niya, "Is it because of him?"

Natigilan ako. Ewan ko pero nung araw na sinabi ni Ethan na mahal niya ako, natakot ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Kaya nagdesisyon akong papuntahin si Kira dito at ayusin lahat ng schedules ko, from photoshoot to interviews para madivert ang atensyon ko. I should make myself busy para makalimutan ang nangyari nung isang araw. Siguro sa pamamagitan nito, makakalimutan ko yung sakit, makakalimutan ko yung mga alaalang pilit nyang binabalik. I sighed.

May sasabihin pa sana sya ng biglang sumingit si Emman. Isa siya sa Glam Team ko, siya ang make-up artist and well, kaibigan ko rin.

"Nastress ang kagandahan ko sayo Kira ha?! Pakausap naman sa sisteret ko, kanina pa ako pabalik-balik sa mga bagahe natin ha?! Naku ikaw Kira! Mapepektusan na kita!" Sabi niya kaya natawa na lang ako.

"Hi Emman! How are you? I missed you!" Sabi ko at kumakaway pa ako sa screen ng laptop ko.

"Hindi pa tayo tapos Maxine, mag-uusap pa tayo pagdating namin jan" Sabi ni Kira na halatang may pag-aalala sa gagawin ko.

"Okay po Mam! Hehe" Sagot ko sa kanya tsaka naman sya umalis at ichecheck pa raw niya ang mga bagahe niya.

"Sa wakas magkikita na tayo ulit sister! Jusko! Naiimbyerna na ako sa mga co-models mo dito ha?" Sabi ni Emman, "Daming arte sa katawan! By the way, ako na magsosorry sayo from Kira, alam mo naman yun, nag-aalala lang sayo"

"I know. Okay lang. I'm used to it naman" Sabi ko at nakatuon na ako ngayon sa screen ng laptop ko dahil tapos ko nang ihanda lahat ng gamit ko.

"Ano ba kasing pumasok sa utak mo't magpakabusy ka sa trabaho?" Tanong niya, "Lovelife ba yan? Buntis ka ba? Naku Maxine ha!"

"Ay grabe ka sa akin huh?! Hindi! Gusto ko lang naman, at kaya ko kaya"

"Kung may problema ka, sabihan mo lang ako ha? Makikinig naman ako. Ayoko ma-haggard yang beautiful face mo girl" Sabi niya kaya napangiti ako. Minsan talaga pag sya ang kausap ko, nakakalimutan ko minsan ang mga problema ko, "O siya, alis na kami at baka mahuli pa kami sa flight namin, imbyernabels na itong si Kira, kanina pa tawag ng tawag sa akin. Mag'ingat ka girl! Basta ha?! Magkikita naman na tayo. Bye!" And I ended up the call.

I Still Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon