Yes
--Maxine's POV
It's been a blissful months of being together with Ethan. Sobrang saya lang ng feeling na maayos na ang lahat, na everything is falling into places.
Naging masaya ang pagsasama namin ni Ethan although we still have misunderstanding sometimes but at the end of the day, naaayos naman agad. Naging maayos din naman kami ni Tatay, minsan ay binibisita nya ako dito sa Batangas tuwing weekend dahil may trabaho pa sya, isa kasi sya sa namamahal ng isang shoe brand sa bansa.
"Kain na tayo, Love", si Ethan. Nandito kami ngayon sa office.
The resort construction is almost done, mga maliliit na details na lang ang kakailanganin para sa launching nito.
"Tatapusin ko lang 'to, sandali", sabi ko. May dinagdag kasi ako sa landscape structure ng resort, hindi naman sya masyadong complicated kaya matatapos rin 'to agad.
After few minutes ay kumain na rin kami ni Ethan, dito lang din sa loob kasama sina Chris, Louie, at Dina. Pau is in Manila, may kailangan lang daw syang kunin.
"Magiging totoo na talaga ang design mo Miss! Di ko akalaing ganito ang kinalabasan ng pagpupuyat mo", si Chris habang sumusubo ng pagkain.
"Hindi rin naman yan magiging totoo kung hindi dahil sa inyo. Pinaghirapan natin 'yan lahat no, don't just give the credits in me", sagot ko.
After naming kumain ay balik trabaho na naman kami.
"I'm so proud of you, Love", si Ethan, "I never thought that you would come up to that idea. I mean, your designs are quite unique. It's not a typical resort we used to see kung saan saan lang"
Pauwi na kami ngayon sa bahay.
"Wow ha? Minaliit mo nga ako noong first meeting natin eh", sabi ko saka inirapan sya. Naalala ko na naman yung pangmamaliit nya sa akin nung una naming pagkikita. Bwisit.
"I don't mean it, Love. I'm just really surprised that you came up to an idea of being an architect. Di ba sabi mo noon, you don't want to be in a construction industry, but you did. Why, Love? Mahal mo pa ako noong nag-architect ka na no?", sabi nito. Nakatuon pa rin naman sya sa pagdadrive pero napapangiti naman ito.
"Oy grabe 'to! Hindi ko inisip no na Engineer ka pala, assuming nito"
"Mahal mo naman?"
"Tama ka naman!", sabi ko. Natawa naman kaming dalawa.
Hinawakan nito ang aking kamay at hinalikan ang likod nito.
"Grabe no? It's been a roller coaster for the both of us. Nagmahal, nasaktan, nagmahal at magmamahal always", sabi ko sa kanya.
"Why so cheesy, Love?"
"Why so daming tanong?", sabi ko. Natawa na lang ito.
Kumain muna kami sa restaurant bago umuwi ng bahay. Wala rin kasi si Manang Loreng doon kaya kami lang dalawa ni Ethan.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami agad dahil nakaramdam na kasi ako ng pagod.
"Love?", si Ethan. Nandito kami ngayon sa sala at nanonood ng TV. Katabi ko sya ngayon. Ang OA nga at may paakbay pang nalalaman, hindi naman ako mawawala.
"Hmm?"
"I love you", sabi nito. Napatingin tuloy ako sa kanya. Napatitig ako sa kanyang mata sabay ngiti.
"I love you, too" sabi ko at binalik ang tuon ko sa aming pinapanood. Mukhang nag-init kasi yung mukha ko. Ramdam ko ang pamumula nito.
"You're blushing, Love", sabi nito.
BINABASA MO ANG
I Still Love You (COMPLETED)
RomanceSabi nga sa kanta, "How can I moved on? When I'm still in love with you?" Mahal pa kaya nila ang isa't isa? Posible nga kaya ang second chance?