Wait for you
--Napansin kong huminto ang sasakyan kaya naman napamulat ako sa aking pagkakatulog. Akala ko nakarating na kami sa site pero nag stop over lang pala si Ethan sa isang fast food chain.
"It's almost lunch. We have to eat first, malayo pa tayo sa site" Aniya habang pinapatay ang makina ng kotse.
Napatingin ako sa wrist watch ko and almost 11am na nga kaya hindi na rin ako umangal. Gutom na rin kasi ako dahil burger at kape lang yung breakfast ko kanina. Kahit naman payat ako, malakas akong kumain noh.
"Let's take it out, baka naghihintay na yung assistant ni Mr. Dizon doon" sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan at diretso lang syang lumabas ng kotse at lumakad papasok sa fastfood chain.
Napakamot na lang ako sa ulo. Did I do something wrong? Nagalit ba sya dahil hindi ko na naman sya pinatapos magsalita kanina? Argh! Bakit ba! Wala naman syang dapat ikagalit eh, kapal nya din.
Lumabas na rin ako ng kotse at sinundan siya. Hindi ko naman inasahan na hihintayin nya pala ako sa labas kaya nang makita na niya ako, pumasok na rin kami sa loob.
Dumiretso kami sa counter, ayoko na sana pero nakakahiya naman kung sya pa ang oorder para sa akin, wala naman masyadong tao kaya makapag-order na kami agad. Nang nakaharap na kami sa cashier, pansin kong titig na titig ang babae kay Ethan. Nakipagtitigan din ang mokong at ngumingiti pa. So ano ako? Para akong tuod dito. Nagugutom na kaya ako!
Tumikhim muna ako para makuha ang atensyon nila.
"Ehem" pero hindi pa rin kumibo ang babae at tutula pa rin kay Ethan. Natawa naman siya ng bahagya dahil sa hindi pagpansin sa akin ng babae kaya sinasamaan ko siya ng tingin.
"What?" He whispered at ngumingiti pa ang mokong. Bwiset.
"Hey Miss, pwede na ba kaming mag-order?" Sabi ko, "Kung makakatitig ka kasi sa boyfriend ko, kulang na lang ulamin mo" Inis kong sabi sa kanya.
Napatingin ako kay Ethan na abot hanggang tenga ang ngiti na nakatingin din pala sa akin. At dun ko lang na realize ang sinabi ko. Eh? Nakakahiya! Kainin na sana ako ng lupa ngayon na agad agad.
"I-I'm sorry po Ma'am" sabi niya, ngumiti lang ako tsaka niya hiningi yung order namin.
Matapos niyang maibigay yung order namin, nauna na akong naglakad papunta sa mesa. Nilapag naman agad ni Ethan ang mga pagkain at tsaka umupo.
"Boyfriend huh?" Sabi niya, tinaasan ko lang sya ng kilay and I even rolled my eyes. Mang-asar ka pa! Bwiset 'to.
"Gusto mo naman?!" I said habang kumakain. Hindi ko sya magawang tingnan kasi nakakahiya! Baka sabihin niyang assuming ako or ano. Ay basta!
"Aba syempre naman!" Sabi niya ng pasigaw kaya nagtinginan ang mga tao sa gawi namin.
"Hindi ko ginusto yun" I said.
"Your acting like a jealous girlfriend, tapos hindi ginusto? How was that huh?"
"Kumain ka na nga lang! Dami mong sinasabi!"
Tumahimik naman sya. Napatingin ako sa kanya. Ewan ko pero biglang tumibok ang puso ko. Hindi ko maipagkakailang namiss ko nga sya. Pero hindi ko pa rin masabing mahal ko pa rin sya. Naguguluhan pa rin ako.
Natapos na kaming kumain at itong si Ethan, ngiti ng ngiti na parang timang. May sayad ata sa utak 'tong tao 'to.
Tumayo na ako at lumabas papuntang parking lot. Dumiretso ako sa kotse niya. Napagdesisyunan kong ako na lang muna ang magdadrive since malapit naman na daw yung site at bilang utang na loob na rin sa pagsundo niya at panlilibre kahit inaasar niya ako.
BINABASA MO ANG
I Still Love You (COMPLETED)
RomanceSabi nga sa kanta, "How can I moved on? When I'm still in love with you?" Mahal pa kaya nila ang isa't isa? Posible nga kaya ang second chance?