Chapter 4

2.9K 134 13
                                    

Old friend
--

Maxine's POV

Since wala naman akong gagawin ngayong araw, napag-isipan kong itext si Venice to go in my place. Hindi pa kasi ako pinapapunta nina Tito sa firm, di rin ako pwedeng lumabas ng basta basta kaya stay na lang muna ako dito sa unit. I told them to buy foods dahil hindi pa ako nakapag-grocery.

Dahil late akong nagising, dali dali akong naglinis ng bahay. From my room, to the kitchen hanggang sa living room, pati guest room at siyempre, ang CR. Nakakahiya naman kung marumi ito, di ba?

Habang naglilinis ako sa living room, narinig ko na may nagdoorbell. I already told naman the guard na papasukin sila sa building.

Binuksan ko ang pinto at yumakap agad sa akin si Venice, nakasunod naman sa kanya si Markus na may dala dalang pagkain at isang boquet ng white rose.

"Venice, let go of me. Ang baho ko pa oh" Sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakayakap niya, "Eh hindi naman. Ang bango nga kahit pawisan ka. Ganyan ba talaga ang mga supermodel?" Tanong niya.

Ngumiti lang ako at napailing, "Baliw" at natampal ko ang braso niya.

"Sorry talaga sa nangyari sa resto May, hindi ko naman kasi alam na sasama ang higad na yun eh" pagpapaliwanag niya

"No, it's okay. I'm the one who must apologize to you nga kasi ako naman ang nauna"

"Kasalanan din naman nila kasi ininis ka. Tsk. Kung di lang ako nakapagpigil, nasabunutan ko na yun"

"Shh. It's fine. Nangyari na so nothing to worry, okay?" At tumango naman siya.

"Ah, May? Hindi mo ba kami papapasukin? Nangangawit na ako" Si Markus na nasa likuran ni Venice. Nasa may paanan pa kasi kami ng pinto ng unit ko.

"Ay sorry, come in. Ilagay mo na lang yan sa kitchen" sabi ko, "By the way, nagligawan ba kayo before kayo pumunta dito?" Tanong ko habang hinahatid sila sa kusina. Hindi pa kasi ako tapos maglinis sa living room.

"No May, bakit naman kami magliligawan eh kami naman na? actually, that flowers is for you" Si Venice.

"For me? Why? For what?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Hindi, para sa burol yan" singit ni Markus na isa isang kinukuha ang mga dinala nila. Magluluto kasi raw siya for lunch.

"Ha? Sinong namatay?" Tanong ko, "Paglalamayan namin ang feelings mo kay Ethan na namatay. Hahahaha!" Okay. Nagbibiro siya. Natawa ako.

"Shut up Babe!" Singhal ni Venice kay Markus kaya tumigil naman ito sa pagtawa, "I'm sorry May, eto kasing si Markus puro kalokohan" sabay pinghit sa tenga nito.

"Araayy Babe! Enough. I-I'm sorry" si Markus.

"Okay lang, I'm get used to it naman" at tumawa na lang din ako.

"Pinadala yan ng guard sa amin May. Iaakyat na daw niya sana pero sakto namang dumating kami, pinadala na lang sa amin" si Venice, "Okay? From who?" I replied. Nagkibit balikat lang ito.

Nagpaalam ako sa kanila na maliligo lang muna ako kasi ang dungis ko. Hindi ko na tinapos ang paglilinis ko sa living room. Bitbit ko ang flowers papasok sa kwarto ko. Napaupo muna ako sa kama at biglang may nagflashback sa akin. Eto kasi yung sign na hiningi ko before saying yes to Ethan. Hayys. Parang kailan lang, this is my favorite flower but now, I don't think so.

Lumabas ako at tumungo sa living room na bitbit ang boquet at nilagay ko na lang sa maliit na mesa. I don't know kung sino ang nagbigay but napangiti ako. I sighed. Bahala na. Maliligo na muna ako.

I Still Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon