Chapter 16

2.3K 118 27
                                    

It hurts
--

I'm kinda bothered on what's happening here sa office. Hindi ko lubos maisip if why does this things happened? What's going on? Gusto kong magtanong kung sino ang lalakeng nasa harap ko ngayon, para namang may bumabara sa bibig ko. I didn't saw it coming. Am I just too confident na dahil kasama ko si Maxine the whole time ay feeling ko araw-araw rin akong may pagkakataong makausap siya?

"Ethan?", si Mr. Dizon, "Mr. Stevenson?

"Huh? I-I'm sorry", I said. At nadako ang tingin ko sa dalawang taong nasa harap ko. Napasulyap naman sa akin si Maxine pero nagbawi ako ng tingin.

"Are you with me?", tanong ulit nya.

"What was that again?", I asked.

"Nothing important", he said tsaka ngumiti.

I don't know. Feeling ko sobrang nakakasuffocate lang dito sa loob ng office. Napaismid na ako sa sarili ko.

"You okay?", Ms. Jinri whispered, katabi ko lang kasi siya.

"Yeah", I said, "I-I just don't like the atmosphere"

I sighed. How can I relax kung ang nasa harapan ko, masayang nag-uusap. And the worst? Ni hindi ko magawang kausapin siya ng masinsinan tapos may darating pang panggulo. Hays. This is all my fault. I messed things up big time.

Maxine's POV

"My May! How are you? You okay here?", napangiti ako. I never thought na ngayon ang dating nya. I was really surprised. Tapos sumama pa talaga siya kina Pau.

We're here sa office dahil pinatawag kami ni Mr. Dizon. Nangangamusta lang naman siya about the constructions and maglilibot kami after.

Napasulyap ako kay Ethan dahil kanina pa sya kinakausap ni Mr. Dizon pero wala syang kibo. Kinalabit naman ako ni Pau at tinanong kung anong nangyari sa kanya pero nagkibit balikat ako.

Yesterday was really fun. It feels like home again. Yung may Nanay at Tatay kang nakakausap kahit hindi mo naman sila kadugo. I'm just really happy. Kahapon lang siguro ako tumawa at nakipagkulitan ulit mula ng nasaktan ako, sa pamilya pa ng taong sinaktan ako.

Minsan nakakaguilty na sinusubukan niyang makipag-usap sa akin pero ako itong lumalayo, ako itong umiiwas at ako itong mukhang may kasalanan. Ayoko lang siguro masaktan ulit.

Pero kahapon ng umaga, nakausap ko si Sister Eve, isa siya sa kaibigan ni Nanay, parati rin siyang dumadalaw sa amin noon nung elementary pa ako pero umalis siya kaya hindi na muli kaming nagkita. Buti nga at nagkita kami ulit kahapon at nakilala nya rin naman ako.

Kinamusta niya ako kung ano nang nangyari sa akin. Nabalitaan nya rin na nawala na si Nanay kaya humingi siya ng paumanhin dahil hindi siya nakadalaw man lang, naiintindihan ko naman siya dahil nasa Italy daw sya that time.

 Sinabi ko sa kanya ang totoo na medyo okay ako at nahihirapan ako sa sitwasyon ngayon. Pinayuhan niya akong magpatawad. Napatawad ko naman na si Ethan pero hindi pa rin nawawala ang sakit na dinulot niya sa akin. Sinabi nyang kailangan kong tanggapin na nasaktan niya ako at kailangan ko siyang makausap. I know it's hard, I know it's not that easy ngayon na alam niyang iniiwasan ko siya.

Kahapon nga habang nagkukwentuhan kami ng mga magulang niya, alam kong nakatingin lang siya sa akin. Nakakailang man pero hindi ko rin naman siya pwedeng pigilan. Alam ko sa simpleng ngiti lang, napapasaya ko siya, kahit na may kirot sa puso ko. Kaya nung umuwi ako galing sa kanila, iniyak ko lahat ng frustrations ko. Oo, nasaktan ako pero hindi ko namalayang nakakasakit na pala ako. Buti na lang at hindi nila napansin ang pamumugto ng mata ko.

I Still Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon