Ignoring
--Medyo kinakabahan ako. Nandito na ako sa backstage ng function hall ng resort kung saan gaganapin ang launching. Inaayusan na ako ng Glam Team ni Nika but si Emman ang nagmake-up. Medyo weird nga kasi ngayon lang ako kinabahan which is dapat hindi kasi it's not new to me naman. Buti na lang nandito na sina Kira at Emman para pagaanin ang loob ko. Nakarating sila kanina before lunch at nakapagpahinga na rin.
"Hey May! You're spacing out" Sabi ni Kira while Emman is putting some make-up on me.
"Huh? What did you say?" I asked, masyado na atang occupied ang utak ko. Anyare ba sa akin?
"After this launching, you have a press conference, are you ready?" Sabi niya, napabuntong hininga ako.
"Ayan tapos na" Si Emman, "Namiss ko talagang ayusin ka girl! Sarap kasing kutusan sa kilay nung co-models mo sa agency eh! Imbyerna ako!"
Napangiti na lang ako. Sanay naman na ako kay Emman na ganyan sya, palagi nya talagang sinasabi yan at hinahayaan ko na lang.
Marami na ring tao ang nagsidatingan ayon kay Kira. Nakahanda na rin ang ibang models para sa ramp walk at ako ang mahuhuli dahil ako naman ang main model.
Nakatayo na kami ngayon sa backstage and all eyes are on me kahit na hindi pa man ako rumarampa, ay talaga namang nagpapapicture pa ang ibang models sa akin dahil hindi pa nagsisimula.
"You okay?" Tanong ni Kira, I just nodded dahil di ko talaga alam ang nararamdaman ko.
Ilang minuto rin ang nakalipas at isa-isang nang rumampa ang mga models at hindi naman nagtagal ay lumabas na rin ako.
Sobrang daming tao. May mga nagkikislapang flash ng camera at ang iba naman ay naghihiyawan pa. Napansin ko sina Tita Cath sa may gilid, katabi si Ethan pati na rin si Lucas. Wala sina Tito at Tita pati na rin sina Kuya Macky at Ate Ella kasi nasa Cebu sila, inaayos ang proyekto doon.
**
"Congrats May! I'm so proud of you", Si Tita Catherine sabay yakap sa akin.
"Thank you May! I'm so happy, we made it! It was a successful one. Thank you so much", Sabi ni Nika at niyakap na rin ako.
Nandito pa rin kami sa venue. Tapos na rin kasi ang launching at ang press conference, nagsiuwian naman na ang mga tao.
"Congrats", Sabi ni Ethan. Natahamik naman kami. Awkward silence pero nginitian ko lang sya.
Bigla namang dumating si Lucas. Ewan ko kung saan 'to galing pero naiirita ako sa presensya nya.
"Uy! Congrats May! Galing mo kanina, how to be you po?" Sabi niya, tiningnan ko lang sya ng masama, "Sungit naman"
"Are we close?" Tanong ko sabay irap sa kanya, nakakabwisit eh, kung makatawag ng 'May' sa akin.
"Oo, sabi ko" Sagot niya, "Stop calling me May" I said, nginitian lang naman nya ako. Baliw ata 'tong lalaking 'to.
"Tama na yan Lucas, ikaw talaga", Sabi ni Tita Cath, buti na lang talaga kaya napakamot sya na lang sya sa ulo.
Pagkatapos naming mag-usap sandali, agad naman akong pumunta sa kwarto ko. Pagod na rin kasi ako at kailangan ko nang magpahinga. Nauna na rin kasi sina Kira at Emman sa kani-kanilang kwarto dahil na rin siguro sa pagod sa byahe.
The next morning ay maaga akong nagising, I don't know pero nagising na lang ako bigla. It is still 4 in the morning, sinubukan ko ngang matulog ulit pero hindi na ako makatulog kaya naisipan kong bumaba na lang at maglakad lakad na muna sa dalampasigan habang naghihintay ng sunrise.
BINABASA MO ANG
I Still Love You (COMPLETED)
RomansaSabi nga sa kanta, "How can I moved on? When I'm still in love with you?" Mahal pa kaya nila ang isa't isa? Posible nga kaya ang second chance?