New
--
Maxine's POV
Its weekend at talaga namang makapagpapahinga ako for a very tiring work sa firm. Yun bang masakit na nga sa ulo yung ginagawa ko tapos sasabay pa 'tong puso ko sa pagiging abnormal minsan whenever I saw him.
Oo. Kinakabahan ako sa everytime he talks to me kahit na related naman sa work ang pinag-uusapan namin. Ayoko kasing pag-usapan ang personal na mga bagay at baka mahulog lang ako sa sarili kong patibong.
Aaminin ko, I want to forgive him. I want to bring back our friendship but I can't. There's a big part of me na kailangan kong maging matatag for myself. Hindi rin niya ako masisi because sobra akong nasaktan. It's been over years pero bakit yung nararamdaman ko, parang walang nagbago? I keep on telling myself that I already moved on but my heart contradicts to what I think.
While I'm spacing out, bigla namang tumunog ang phone ko. It was Ate Ella. Its been a week since hindi kami nagkita at talagang namiss ko sya kahit sa phone lang kami nag-uusap.
"Hello Ate Ella? Good morning! I miss you! What can I do for you?" Sabi ko habang nakahiga pa ako sa kama. It's almost lunch at wala akong planong tumayo but I really need to. Pupunta pa kasi akong mall to buy some things na kakailanganin ko pag nasa Batangas na ako.
"May! I miss you too. Hindi ka na namin nakakasama. Miss na miss ka na ni Jonas and namiss na rin daw ni Macky ang pang-aasar niya sayo" Natawa sya. Kahit kailan talaga itong si Kuya, kahit matanda na, mapang-asar pa rin.
"Sobrang busy ko lang talaga Ate, inaayos ko naman na ang schedule ko. Bukod kasi sa resort na gagawin namin, may launching pa akong pupuntahan at kasal na rin ni Faith by the end of the month" Sabi ko.
"Okay lang, naiintindihan ka namin. Alam kong hindi mo rin yan hihindian no. By the way, can you do me favor?"
"Oh sure, what is it?"
"Can I leave Jonas to you? May site visit kami sa Cebu ngayon, mamaya na flight namin. Eh nag leave rin kasi ang yaya niya"
Nagliwanag naman ang aking mukha, at napaupo ako sa aking kama, "Sure Ate! No problem! Ako ba kukuha sa kanya jan?"
"No no. Kami na ang pupunta jan at jan na lang kami maglulunch, magdadala na lang kami ng pagkain"
"Okay Ate! See you!" At binaba ko na ang phone.
Agad na rin akong naglinis at naligo habang hindi pa sila dumarating. I really miss their family kahit na ang lakas makaasar ni Kuya Macky, eh nakakamiss rin yun.
**
"Tita Mommy!!" Jonas exclaimed ng pagbuksan ko sila ng pinto. Agad syang yumakap sa akin at kinarga ko naman sya at siniil ko ng halik sa pisngi. I really miss this cute baby boy.
"Hi May!" Sabi ni Ate Ella at nagbeso sya akin as well as me to her.
Yumakap rin si Kuya Macky sabay gulo ng buhok ko. Kahit kailan talaga. Nah!
"Oh May? Iwan namin si Jonas dito ha? Sya ang tagabantay mo at baka may asungot na biglang darating dito" Si Kuya dito. I creased my forehead. Papunta na kami sa kusina para ihanda ang mga dala nilang pagkain.
"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo?" Tanong ko habang inaayos ang mesa.
"Wag mo nga yang pansinin May" Si Ate Ella na hinahanda na ang mga pagkain.
Alam ko naman si Ethan ang tinutukoy ni Kuya Macky. Sa sobrang galit ba naman niya sa taong yun na akala mo siya yung sinaktan at iniwanan. Haha!
"Hoy sandali nga Kuya, may hindi ka sinabi eh. May utang ka eh!" Sabi ko habang sumusubo ng pagkain.
BINABASA MO ANG
I Still Love You (COMPLETED)
RomanceSabi nga sa kanta, "How can I moved on? When I'm still in love with you?" Mahal pa kaya nila ang isa't isa? Posible nga kaya ang second chance?