Anak
--Naalimpungatan ako when my phone kept on ringing. Agad ko naman itong kinuha without looking kung sino ang tumawag.
"Hello?", sabi ko. Nakapikit pa ang aking mga mata dahil antok na antok pa talaga ako.
"Good morning, Love. Wake up!", so si Ethan pala. Hay. Ang aga naman!
"Antok pa ako. Tawag ka na lang mamaya", sabi ko pero hindi ko inend ang call niya at nasa tenga ko lang ito.
"Hey love, wake up!", rinig kong sabi nya pero hindi ko na pinansin dahil inaantok talaga ako. Gusto kong matulog na muna.
"Love, open the door", sabi nya. Napakunot na rin ang noo ko. Nababaliw na ata 'to? Hay.
"Hmm?"
"I said open the door. I'm waiting here outside your unit for almost an hour" napamulat ako. Jusko! Kanina pa pala sya naghihintay.
"Ba't di mo sinabi agad?" Sabi ko habang patakbong papunta sa pinto.
"Because you're not even listening", he chuckled. Napailing na lang ako. I ended the call at pinagbuksan sya ng pinto.
"Sobrang aga mo naman ata -- ang bigat mo Ethan", sabi ko ng pagbuksan sya ng pinto. Agad syang sumandal sa akin ng nakayakap. Bwisit! Sobrang bigat pa naman nya.
"I'm tired of waiting, Love", sabi nya. Tiningnan ko siya at nakapikit pa talaga na parang pagod. Hay.
"Sino ba kasing nagsabi sayo na pumunta ka dito ng maaga", inis na sabi ko sa kanya, "Ethan ano ba! Ang bigat mo!", at bahagya ko syang nasampal sa pisngi.
Agad naman itong tumayo ng maayos, "What was that for?", sabi nya ng nakakunot ang noo.
"Tanungin mo sarili mo", sabi ko. Inirapan ko nga at tinalikuran, "Jan ka na nga! Ang aga pa eh. Matutulog na muna ako"
"Tabi na tayo, Love", sabi nya at inakbayan ako papuntang kwarto, "I'm sorry, Love" at hinalikan ako sa pisngi.
I sighed.
Pumunta kami sa kwarto at agad akong humiga. Naramdaman kong tumabi sya sa akin at yumakap naman sya sa aking bewang. Napangiti na lang ako.
**
"Kumusta naman ang lambingan nyong dalawa?", tanong ni Venice. Kakagising ko lang kasi.
Nandito na sila sa unit ko. Pinagbuksan raw sila ni Ethan ng pinto. Gigisingin nga sana raw nya ako kaya lang ayaw daw ni Ethan at baka magalit pa ako. Napaismid tuloy ako.
"Masarap ba ang tulog na katabi ang taong mahal mo May?", si Kate. Naramdaman kong uminit ang mukha ko kaya napayuko ako.
"You're blushing, Love", sabi ni Ethan sabay akbay sa akin. Inirapan ko na lang.
Nasa kusina sina Markus, Aiden at Yvez. Nasa sala naman kami nina Ethan, Faith, Venice at Kate.
"Tulungan mo nga boyfriend mo dun Venice", singhal ni Kate. Sila na ang kumilos dito sa loob. Eh feel na feel naman nila kaya hinayaan ko na lang.
"Tapos ikaw? Aba! Kung makautos ka, ba't di ka na lang din tumulong dun, besides nandun din naman boyfriend mo", si Venice sabay irap nito sa kanya. Natawa na lang ako.
"Stop it girls, hayaan nyo na sila. Guguluhin nyo lang yung tatlo eh", sabi ni Faith. Hay naku. Napailing na lang ako.
Naghalungkat ng mga movies si Venice sa CD divider dahil gusto nya raw magmovie marathon. Tinulungan naman sya ni Kate while si Faith ay nagpahinga na muna sa kwarto ko. Pagod daw kasi sya dahil na rin siguro sa paghahanda sa kasal nila.
BINABASA MO ANG
I Still Love You (COMPLETED)
Roman d'amourSabi nga sa kanta, "How can I moved on? When I'm still in love with you?" Mahal pa kaya nila ang isa't isa? Posible nga kaya ang second chance?