Confuse
--"Hi Love. I missed you", si Ethan sabay halik sa akin sa pisngi at yakap na rin. Napangiti na lang ako.
Nandito sya ngayon sa unit ko at sinusundo ako. We'll having a dinner with his family daw. Kanina lang kaming umaga nakarating pero dahil na rin sa pagod ay nagpahinga agad ako. Kinukulit pa nga nya ako na sa bahay na nila ako magpahinga pero hindi ako pumayag.
"Hello. Pasok ka muna", sabi ko sa kanya sabay halik rin sa pisngi. Hindi pa kasi ako nakapagbihis. Jusko! Alas kwatro pa lang ng hapon pero nandito na sya. Kaloka!
"Don't you miss me?", nakangusong sabi niya. Inalalayan ko siyang maupo muna sa couch. Dahil sa likas na clingy naman 'tong boyfriend ko, grabe kung makaakbay na animo'y mawawala ako. Napairap ako.
"Namiss naman kita. Kaya lang kasi, nagkita naman tayo kanina? Nag-usap tayo sa telepono ng matagal, at tsaka may pa dinner naman si Tita Cath. Grabe naman 'to, magkikita naman tayo", sabi ko. Nakaupo na kami ngayon sa couch habang nanood ng movie
"I just want to be with you all the time, Love. If only I can live here, gagawin ko", sabi nya sa akin. Nah! Nabaliw na ata 'tong si Ethan. Natawa na lang ako.
"Luh? You can be here naman if you want. Wala namang pumipigil sayo", sabi ko sa kanya.
"I can live here?!", sabi niya. Napalingon ako sa kanya at ang laki ng ngiti niya.
"Syempre hindi! May bahay naman kayo noh. What I mean is, okay lang naman na dumito ka anytime you want", pagpapaliwanag ko sa kanya. Nakita kong nalungkot sya ng bahagya kaya hinawakan ko ang kanyang pisngi. Jusko! Hindi pa rin talaga sya nagbabago. Napangiti na lang ako.
"Teka nga, ba't ang aga mo naman ata? Alas kwatro pa oh", sabi ko sa kanya.
"Wala naman akong ginagawa sa bahay, Love. All I want is you", sabi nya sabay halik sa ulo ko.
"Sus. Araw-araw naman tayong magkasama"
"Yun nga eh, nasanay na ako"
"Wala pa ngang isang araw na hindi tayo nagkita"
"Kasi po. I just want to have you now kasi alam ko naman po na hindi na naman ako makakalapit mamaya because of my family's selfishness towards you. Feeling ko, pagmamay-ari ka nila", pagmamaktol nya. Natawa na lang ako. Jusko! Ganito ka OA magtantrums si Ethan noon pa.
"Ang OA mo talaga noh?", I chuckled.
"Why do I have this feeling na you don't want me to be here?", sabi ulit niya. Paano ko ba susuyuin ang isang 'to?
"Hindi naman sa ganun, Love", sabi ko sa kanya, "Payakap nga ng baby boy ko! Nagtatampo ka na naman eh", I lean my head on his shoulders at niyakap sya patagilid. Iniangat ko ang aking paningin ang gave him a quick kiss at nakita kong nakangiti na sya. Good job May!
He sighed, "You really know my weakness huh?", sabay nya sabay haplos sa buhok ko. Tuwing ginaganito nya ako, dinadalaw talaga ako ng antok.
Patuloy pa rin sya sa ginagawa nya habang ako naman ay nakayakap pa rin sa kanya hanggang sa nakatulog na talaga ako.
**
Naalimpungatan ako ng may tumapik tapik sa aking pisngi, "Love, wake up. You have to get dressed na. It's almost dawn", sabi ni Ethan.Nagising ako na nasa kwarto na pala ako. Katabi kong nakahiga si Ethan sa kama habang yakap yakap nya ako.
Tumayo naman ako agad habang sya naman ay naupo sa kama ko.
"Bihis lang ako. Labas ka na", sabi ko sa kanya pero ang mokong ay ngumisi lang.
BINABASA MO ANG
I Still Love You (COMPLETED)
Roman d'amourSabi nga sa kanta, "How can I moved on? When I'm still in love with you?" Mahal pa kaya nila ang isa't isa? Posible nga kaya ang second chance?