Chapter 6

3K 127 21
                                    

About We
--

"Ma'am, may nagpapabigay po" sabi ni Manong Guard sabay abot ng isang bouquet ng white roses sa akin when I was about to enter the firm.

"Ah. Thank you po. Wala pa rin po bang sinabi kung kanino galing?" Tanong ko. It's been 3days simula nung nagtrabaho ako dito sa firm and everyday I kept on receiving this bouquet of flowers which is a big question to me kung kanino galing kasi wala namang card na kasama.

"Wala pa rin po Ma'am eh", sagot nya sabay kamot sa ulo niya.

"Sige po Kuya, salamat", I waved him goodbye at pumasok na rin sa firm.

I don't know why I'm receiving this bouquet of flowers which is strange to me pero tinatanggap ko naman. Ewan ko pero feeling gumagaan ang loob ko whenever someone appreciates me nor admire me. Kahit simpleng effort lang, it means a lot to me.

"Naks! May flowers na naman si Mayora!" Si Engr. Nikko na araw-araw na ata ako aasarin whenever mapadaan ako sa cubicle niya, "Sobrang good sa morning yan! Ang aga ah?!"

I smiled, "Oo nga eh. Do you have work Engr. Nikko? I mean, wala bang ginagawa ang team nyo?" Tanong ko at napaupo na lang ako sa katabing chair na vacant, "By the way, good morning rin!"

"Tapos na kami sa proyekto namin Miss. But Mr. Agoncillo told us na may bago raw kaming gagawin but for the meantime, eto muna. Chill" he replied. I nodded.

"I just want to ask" I said. He nodded, "Di ba kayo nawawalan ng trabaho dito?" I asked. Nakikita ko kasi sa mga tao dito na sobrang hard working. Puro trabaho, walang humpay.

"Sa kabutihang palad, hindi naman po Miss, kagaya ngayon, kapag patapos na kami sa isang proyekto, tsaka naman may darating na bago" sagot niya.

"May pamilya ka na ba?"

"Meron na po Miss, hindi naman po ako nawawalan ng oras sa kanila" sagot niya.

"Buti naman kung ganun", I said, "Ilang years ka na nagtatrabaho dito?"

"Almost 6years na. Dati lang akong assistant engineer dito hanggang sa nagkaroon na rin ako ng sariling team na ako na ang humahawak"

"Ahh I see.. Pero minsan ba, nalagay na sa alanganin ang firm?" Tanong ko. I'm curious kasi. Nung time na bumalik dito sina Tito for a new project daw, ramdam ko na may problema talaga. Kasi nga nakikita kong sobrang stress ni Tita Ali noon to the point na parang nadidepress na sya. Kung tatanungin naman namin sila kung anong problema, wala naman daw and everything went well at kaya naman na daw nila.

"Opo Miss, two years ago nung umuwi sina Mr. Agoncillo dito. Muntikan na ngang malugi Miss eh kasi puro change plans ang nangyari. Eh ang laki ng proyektong yun" sabi niya, "Ang sakit sa ulo ng may-ari tapos ang ending, bigla kaming binitawan"

"And then? How can the firm cope with it? May nasampa bang kaso?"

"Opo Ms. Maxine, nasampahan ng kaso at nabayaran naman sina Mr. Agoncillo, yun nga lang, palugi na ang firm. Nanganganib nga ako noon na baka mawalan ng trabaho eh"

"Tapos?" I asked.

"Until Engr. Ethan came" he said. Ano naman ang kinalaman niya? Nah! Magtanong ka na nga lang Maxine. Work related naman eh.

"Nakapagclose sya ng deal Miss at yun ang nakatulong upang umangat at makilala ang firm natin ngayon" he said, "Malaki ang project na yun. Magaling naman sya kaya naging successful ang takbo ng project na yun although there are still problems na hindi naman talaga maiiwasan, nagagawan nya ng paraan"

"Yun ba ang dahilan kung bakit naging head engineer sya dito?" Tanong ko.

"Sort of? Napahanga niya sina Mr. Agoncillo eh. Kami nga rin, hindi na kami nagtataka. Magaling naman talaga siya. Sobrang bait pa" he replied. At may pacompliment pa. "Mula nun, malalaking projects na ang nahandle niya kaya nagpapasalamat kami sa kanya"

I Still Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon