Chapter 14

2.4K 110 43
                                    

New One

--

As soon as we arrived sa mall, agad kaming pumunta ni Venice sa restroom while they're waiting for us. Well, ayaw naman naming makita nila kaming mugto ang mata at baka kung ano pa ang itanong nila lalo na sa akin.

Pagkatapos naming magretouch, agad kaming pumunta sa kikitaan namin, may resto raw sina Aiden dito kaya doon na lang daw kami magkikita at kakain.

Pagkarating namin, nandun na nga sila. Pati na rin sina Aiden at ang kasamahan niya kanina. Nakipagbeso ako kina Aiden, Yvez at Markus pero nginitian ko lang si Ethan. Alangan naman lumapit pa ako. Alam ko naman naiintindihan niya.

"Ba't ang tagal nyo ata?", si Markus sabay tingin sa akin, "May nangyari ba?"

Alam ko naman na nagtataka sila kung bakit antagal naming nakaabot dito sa mall but instead na mag-explain ako, I keep myself silent para wala na silang maraming tanong.

"Wala naman babe", si Venice sabay lapit kay Markus at hinalikan sa pisngi, "Did you miss me?"

Kahit kailan talaga, walang pinipiling lugar 'tong dalawa. Napakaclingy nila, dinaig pa ang ikakasal na sina Faith at Aiden. Napangiti na lang ako.

"Let's wait for the food. I ordered naman na", si Aiden.

Nagkwentuhan na lang muna kami. As usual, I still ignored Ethan. Minsan nga sinasabihan ko ang sarili ko na napakabitter ko but it's my way of moving on. Move on nga ba?

Sa gitna ng aming kwentuhan, bigla na lang tumili si Kate. Hindi naman masyadong malakas pero nagulat pa rin kami.

"Oh my gosh!", si Kate na pigil na pigil ang tili habang tumitingin sa phone nya.

"Ano ba yan Kate! Maghunos dili ka nga", si Venice at nahampas na naman nya ito sa balikat. Nagtatanong na rin yung iba kung bakit.

"Ang gwapo talaga niya! Oh my gosh!", sabi ni Kate at nakita kong napakunot ang noo ni Yvez kaya natawa ako.

"Cover your ears Yvez, may mas gwapo pa pala sayo kay Kate", Ethan teased. Tumawa naman sila. Napailing na lang ako.

"Sino ba kasi yan Kate?", si Yvez at ang seryoso ng mukha niya kaya kinalabit ko si Kate at napatingin siya sa akin. Tinuro ko naman si Yvez kaya ngumiti sya dito ng mapait sabay peace sign.

"Front cheating yan Kate!", si Faith at nagtawanan kami. Ganito talaga kami kabaliw kapag nagkakasama.

"Sino ba kasi yan?", si Venice sabay hablot ng phone kay Kate pero hinayaan lang naman niya.

"Oh my! Ang gwapo nga niya! Ah!", tili ni Venice kaya napakunot na rin ang noo ni Markus. Kahit kailan talaga 'tong dalawang 'to.

"Mas gwapo pa kesa sa akin?", tanong ni Markus. Nagpipigil naman ako ng tawa because I know they're already pissed off sa ginagawa ng mga girlfriend nila.

"Honestly.. Oo!", at natawa naman kami. Napakamot ng lang ng ulo si Markus.

"I'm sure hindi yan kasing gwapo ko?", si Ethan. Hindi na lang ako umimik. Hindi ko pa naman nakita yung pinag-uusapan ng dalawa.

"Ahmm.. Let's say, hindi rin. Kasi mas gwapo sya", si Faith. Nasa kanya na pala ang phone ni Kate.

"Let me see", si Ethan at agad naman inabot ni Faith ang phone, "Oh, hindi naman?"

"Hindi mo lang tanggap. Akin na nga yan!", si Kate at hinablot niya ang phone niya kay Ethan, "Tingnan mo nga May, gwapo naman sya di ba?"

I took the phone and looked at it. It's a twitter post na may picture.

I Still Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon