5. Sober

60 5 6
                                    

don jjotda gwollyeok jjotda myeongyeman jjotda
garangiga jjijeojyeo jappajil tenikka
sarang jota ujeong jota maldeul hajiman
gagohae dwitongsuga siril tenikka

Hey doctor doctor nal jom sallyeojwoyo
hwak dorabeorigesseunikka
eoseolpeun maldeullo dulleodaeji malgo
Hear me say

****


"So ano nang plano mo?" Tanong ni Cheska habang nasa Starbucks sila. Ito pa lang ang unang beses na nagkita sila ng best friend niya matapos itong magpunta sa bahay niya at nakita si TOP.

"Di ko alam, bes." Napabuntong-hininga si Selene.

"Nakokonsenya ako kasi kinukunsinti kita. Pero sige go lang. hindi mo naman 'to sinadya eh. Malay mo bang mapapadpad si TOP sa inyo."

"Kaya nga. Kung may choice ako edi sana si GD na." Natawa ito.

"Pero hayan si TOP oh."

"Oo naman, choosy pa ba ako?"

"So kasya ba 'yong brief?" Natawa na naman ang bestfriend niya.

"Paano kong malalaman?"

"Edi tanungin mo!" Muntik na niyang maibuga ang iniinom. Naalala tuloy niya ang huling panunukso sa kanya ni TOP.

If fits nito ang mukha nito!

"Saka na, kapag magchochorva na kami! Chos! Ano ba ayoko, dalagang Filipina pa rin ako at siya lalaking koreano."

Hello jokes, please good to me. Pero as usual ,di yon nagets ni Cheska.

"Ayaw mong mag-report sa police?"

Naisip na niya iyon. Naisip na rin niyang mag-pm sa official page ng YG para sana sabihing nasa bahay nila si TOP. O kaya magpunta sa Korean Embassy. Kaso ayaw niya lang.

"Ayoko." She said stubbornly.

"Akala mo si GD ang bias mo?"

"Oo na! Eh kasi si TOP eh. Ang guwapo-guwapo! Ngiti pa nang ngiti! Hindi ko na talaga alam."

"Wag mo sabihing in love ka na?"

Napaisip uli si Selene. In love na ba talaga siya kay TOP? Porke ba binili niya ito ng brief puwede na siyang ma-in love sa lalaki? Porke ba naka-ilang chansing na ito sa kanya, puwede na niyang gapangin este mahalin ito? 

Eh hindi naman chansing yon eh! Iba ang definition ko ng chansing. I want more!

"Sabagay, baka kung ako rin makasama ko si TOP, baka mahulog din ako." Sabi ni Cheska.

"Hoy! Ano naniwala ka nang guwapo ang Koreans, no?" panunukso niya rito.

"Hay! Oo na!"

Natawa si Selene. Finally! Sa itinagal-tagal ng panahon sa wakas heto na ang bestfriend na-appreciate na rin ang mga koreano! Ano magpapa-pansit na ba siya?

"So, sinong bias mo?"

Namula si Cheska. Bakit ito namumula?!

"S-saan?"

"Wow! Inosente! Alam ko namang inistalk mo ang BIGBANG. Pero tatlo lang ang puwede mong pagpilian. Seungri, Daesung or Taeyang?"

"Wag ka ngang ano!" Sumubo ito ng cheesecake.

"Tsk, Cheska. So sino?" Di niya alam kung bakit ito namumula! Kiniklig siya na ewan, kasi grabe pa pala ito mag-fangirl sa kanya kung magkakataon!

"Secret."

"Alam mo madaya ka."

"Saka ikaw topic natin dito ngayon, bakit ako ang kinukulit mo?" Natatwang sabi ni Cheska.

YOU HAD MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon