han yeojaga meoreojyeoga
namjaneun norae bureujiman
nunmuri naneungeol ibyeoriran
neol manjilsuga eomneungeol I know yeah eh
tteoreojineun nal jabajwo HelloI hate this love song
i sarang noraega sirheo
dasin an bureuri
neoreul tteoolliji anke
ijeulsu itge
i sarang noraega sirheo
useumyeo bureuri
geudaega oeropji anke
jigeum neoegero
nan ooh ooh ooh ooh ooh ooh hoo
nan ooh ooh ooh ooh ooh ooh hoo***
Pagkadating palang ni Selene sa kanilang bahay ay kaagad siyang pinutakte ng tanong ng kanyang nanay. Di niya maialis ang tingin sa lalaking nakahiga sa sofa nila, sa tangkad nito nagmukhang monobloc ang sofa.
"Hindi ko nga alam, 'ma. Nakita ko nalang yan, muntik ko nang masuntok akala ko rapist. Pero 'ma nagsalita ng jebal! Jebal yun 'ma! Ibig sabihin 'please' at korean yon!"
"Tumigil ka nga! Tignan mo nakatakip pa ung mukha, holdaper ata yan eh!"
Mukhang hindi inintindi ng nanay niya ang mga sinabi niya.
"Mamaya, drug mule yan, malintikan tayo."
"Wow kuya ha, nahiya naman ako sayo, mas mukha ka pa ngang nakadroga kay Oppa eh!" Napakasulsulero talaga ng taong 'to kahit kailan. Wala kasing girlfriend kaya bwisit!
Naisip ni Selene na alisin ang face mask ng lalaki pero bago niya pa gawin ay natanggal na iyon ng bida-bida niyang kapatid.
"Ano ba-----
Tangina!
Yun lang ang mga salitang nasabi ni Selene.
Tangina! Bakit kamukha ng lalaking 'to si TOP?
Inilapit niya ang mukha dito. Sa anim na taong pagiging fan girl niya sa BIGBANG ay kabisado na niya ang lahat ng bagay sa mga miyembro nito! Mula sa lahat ng kaliit liitang detalye. At sigurado siyang si TOP ang nasa harapan niya!
Hoy Selene! Gising! Anong TOP ka dyan? Nasa military service yon! Saka anong gagawin ng isang miyembro ng Bigbang sa Pinas! Di makakaligtas sa YG un!
Pero paano kung si TOP 'to? Teh! Ito na oh! BIGBANG na 'to! Jusko day nasa bahay mo! Nandito katabi mo!
Wag kang papadala, Selene si GD ang bias mo remember?
Gising Selene, baka clone 'to ni TOP o kaya impersonator? Tas pinadala to ni Cheska kasi alam niyang nagaadik ka sa BIGBANG!
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Napasigaw siya sa kanyang mga naisip.
Tangina baliw na ko!
Di na niya pinansin ang sinasabi ng mama at kuya niya. Umungol si TOP, idinikit niya ang tenga sa bibig nito kelangan niyang makumpirma!
Kapag malaki at sexy ang boses---
"Gising ka na, sino ka, anong pangalan mo?" narinig niyang tanong ng mama niya. Bago pa siya magreact ay hinila na ng kuya niya ang kwelyo ng damit niya para mailayo siya sa pagmumukha ng lalaking halatang nagulat nang mabungaran siya.
"Epal ka!"
"Mu eot e?"
"Di ko maintindihan ang sinasabi nito Selene. Saan ba kasi 'to galing?"
MYGOD!!!! SI TOP NGA TO! HUMINGA KA NAMAN SELENE ANONG GAGAWIN MO NASA HARAPAN MO SI TOP!! WHAT DAW, MU EOT DAW!
"A-anyeong hasaeyo."
BINABASA MO ANG
YOU HAD MY HEART
Romance"He is your bias. So, can I be your boyfriend?" Si Selene na yata ang pinakadakilang fangirl sa balat ng lupa. She has been a big fan of BIGBANG since time immemorial. At gaya ng iba pang milyon-milyong fangirls, hinihiling din niya na sana kahit mi...