I know you know why dabi eobseo
neowa nan eoneusae nam iyeosseo
I know you know wae neon mari eobseo oh
cheoeumbuteo urin anieosseojaemieobseo jaemieobseo jaemieobseo jaemieobseo
neon ggeutkkaji dabdabhaeseo
jaemieobseo jaemieobseo jaemieobseo jaemieobseo
mwol mangseorigo seo isseo baby
I love Daesung's part in this song. He is kinda hot. Hehe.
Super kilig na kilig ako kapag naiisip ni TOP na mas sexy siya kay GD. Omo. Wishful thinking! <3
***
These past few days, being with TOP is wonderful. Isa ito sa mga moments na hindi kahit kailan makakalimutan ni Selene kahit kailan. Who would have thought, right? Mas naging extra sweet din sa kanya si TOP. Kumbaga, sa mga teenagers may pagka-MU ang drama nila ngayon. Mutual Understanding. Magulong Usapan. Malanding Ugnayan at kung anu-ano pang definition ng lahat sa MU.
But their understanding, ay hindi sigurado si Selene kung love nga dahilan. Because eventhough TOP asked her if she loves him, hindi naman talaga nito direktang sinabi sa kanya na mahal siya ng lalaki. Wala rin itong sinabi. He just said that he needs her.
Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi siya nakinig sa prof niya ng Philosophy nung college. Mahal mo, kasi kailangan mo o kailangan mo, kasi mahal mo? Wala tuloy siyang maisagot sa logic na 'yon.
But she was damn happy. Kailangan pa ba niyang kuwestyunin ang kaligayahan? Kailangan ba laging may dahilan kung bakit masaya ang isang tao? Kailangan ba lagi ng justification? Hindi ba puwedeng, okay masaya kami. Iyon lang. No whys and hows.
Pero sa kaso kasi nila ni TOP parang ang hirap maging masaya na lang dahil alam ni Selene na temporary lang ang lahat. Natatakot siyang isang araw, wala na si TOP.
Pero kasi kahit ano'ng pilit niyang wag ma-attach, eh pinaglihi ata siya ng nanay niya sa stapler. Dahil iyon na nga, super attached na siya kay TOP. Parang hindi na siya sanay na hindi ito kasabay kumain, parang hindi na siya sanay na wala ito sa kubo sa likod, parang hindi na siya sanay na walang nakikitang naka-eyeglass, facemask or beanie.
Maarte lang talaga siya dahil hindi siya sumagot nung nagtanong si TOP. But deep inside her, sa pinakatago-tagong bahagi ng pagkatao ni Selene, nandoon na iyong realization na, oo mahal na nga niya si TOP. Nahihirapan lang siyang aminin, dahil natatakot siya. Dahil ayaw niyang maiwanan. Dahil ayaw niyang umaasa.
Pero sino ba kasing niloko ni Selene? Asang-asa naman na siya in the first place. The moment TOP stepped in their house. Umasa na siyang baka puwedeng mahulog sila sa isa't isa. Na kahit pa si GD ang bias niya, delikado ang puso niya para kay TOP.
What she had felt for him was different. She's still his fan. Pero nagbago na ang konsepto ng love na iyon. Parang mas lumalim. Mas handang magsakripisyo. Parang handang magparaya.
They are in the park right now. Pagabi na rin at medyo malamig na ang hangin dahil malapit nang mag-Ber months. Selene looked at TOP. Kahit kailan, hindi yata siya pagsasawaan tingnan ito, especially his eyes. Na minsan nang tumitig sa kanya ng tagus-tagusan. Na minsan na siyang tinitigan na para bang siya ang pinakamagandang babae sa buong galaxy. And his lips, for Pete's sake! They are the sweetest. Walang maikukumpara si Selene, dahil si TOP ang first kiss niya. Pero kahit sino pang mahalikan niya sa susunod niyang buhay, ang halik pa rin ni TOP ang hahanap-hanapin niya.
"Are you cold?" TOP held her hand. Isa rin iyon sa mga bagay na never pumalya si TOP. His hands always has these chills. Masarap iyon sa gulugod. At parang hindi lang paruparo ang mayroon sa tiyan lahat na yata ng lumilipad nagkakagulo na.
Umiling si Selene. Having TOP near her, hindi na talaga siya lalamigin.
"Are you okay?" She asked him. TOP looked at her.
"I am far beyond okay, Selene. Being with you made me feel happy."
Jusko naman TOP. Puro ka banat eh! Wala ka na bang ibang sasabihin kundi mga ganyang parinig? Ang alam ko hindi ka naman playboy eh. Si Seungri pa, pero ikaw hindi eh. Pag ba nagkaka-amnesia, nagbabago rin ang ugali? Naman oh!
Natawa si Selene. "Jinjja?"
Pinindot ni TOP ang ilong niya. "You don't want to believe me right?" TOP rolled his eyes. Ang cute cute talaga nito! Naalala tuloy niya ang mga parody ng BIGBANG na laging si TOP ang gumaganap na bida. Ang cute cute nito!
Humigpit ang hawak nito sa kamay niya.
"Yes and no."
"How old are you, Selene?"
Gusto niyang tumawa. Oo nga hindi naman sila dumaan ni TOP sa formal na pagkakakilala. Hanggang pangalan at favorite Korean drama lang napag-usapan nila. Hindi rin naman kasi nagtatanong si TOP. At hindi rin siya nago-open.
"I am 25. I am a brand editor of a publishing house." Nakita niyang tumang-tango si TOP.
Hindi naman kita puwedeng tanungin eh. Ang daya. Mas may alam pa ako sa 'yo tungkol sa 'yo kaysa sa sarili mo.
"What are your hobbies?"
"Ano 'to ambush interview?" Napailing si Selene. "I am a great fan of BIGBANG."
Naramdaman ni Selene na natigilan si TOP. Siya rin pigil niya ang paghinga na para bang any moment, tatakbo palayo si TOP dahil sa sinabi niya.
"Hmmmm..."
"I am your number -1 fan." She looked at him. Nakita niya ang amusement sa mga mata ni TOP.
"Can you..describe BIGBANG for me?"
"BIGBANG is the greatest group YG ever created." Selene sighed. Nanatiling nakininig si TOP. Ni hindi nito binibitawan ang kamay niya.
"YG?"
"YG is an entertainment company. They handled BIGBANG."
"So we're the greatest eh? Jinjja?" Nahampas niya ito sa balikat.
Wag mo ngang insultuhin ang pagka-fan ko! Kainis ka naman Seunghyun eh! Porke ba wala kang maalala eh!"
"Mianhe. So?" TOP asked her to continue.
"Ayun na nga, BIGBANG is a legend. They are kings. They are not the typical Kpop group. And I love them very much, especially..."
Puwede na ba niyang sabihin na si GD ang bias niya?
"Especially?"
"Hmmm, anyway—"
"Who's your favorite member, Selene?" Nagyuko siya ng ulo. Ano ba naman 'tong si TOP! Napaka! Nang-aano!
Tangina naman TOP eh.
"It's...it's—"
"Probably not me." Did she just sense...bitterness in TOP's voice? O nagiilusyon lang siya? "So?"
"It's GD." Halos pabulong niya iyong nasabi. TOP let go of her hand. Ano bang nangyari? Wag nitong sabihing nagseselos ito?
Pero ano ba kasing magagawa niya kung si GD pa rin ang bias niya? And TOP is not her bias, she...likes him, probably she...loves him. Pero puwede niya bang sabihin iyon?
"You know, GD is my bias, because, because—" Utal-utal na si Selene. Hindi na niya alam ang sasabihin. She is looking at TOP. Nakayuko ito.
"Tell me more about GD. What does he looks like? Is he handsome? Is he tall? How well he could sing? How old is he?—"
"TOP, di bagay sa 'yo ang seloso." She chuckled. Ano ba feelinger na ba siya? Bakit feeling niya nagseselos si TOP? She held his hand.
"GD is so handsome. He is also....sexy." Pokerface pa rin si TOP. "He sings very well. He can rap very well too. He is the leader. I love his fashion statement—"
"Meomchueosseo"
Natawa na siya. "Waeyo?"
"I am supposed to be your bias, not that GD."
Selene smiled. Uh-oh. Mukhang magpapalit na ba talaga siya ng bias?
BINABASA MO ANG
YOU HAD MY HEART
Romance"He is your bias. So, can I be your boyfriend?" Si Selene na yata ang pinakadakilang fangirl sa balat ng lupa. She has been a big fan of BIGBANG since time immemorial. At gaya ng iba pang milyon-milyong fangirls, hinihiling din niya na sana kahit mi...