1. Fantastic Baby

226 9 1
                                    

Hanabuteo yeolkkaji modeun ge da han suwi
Morae beolpan wireul michin deushi
ttwieobwado geotteunhan uri
Haneureun chungbunhi neomuna pureunikka
Amugeotdo mutji mallan mariya
neukkiran mariya naega nugunji

Ne shimjangsorie matge ttwigi shijakhae
magi kkeutnal ttaekkaji YE
I CAN'T BABY DON'T STOP THIS
oneureun tarakhae (michyeo barakhae)
ganeungeoya

***

Naiinis si Selene habang dala ang plastik ng basura. Kung bakit naman kasi mahilig ang nanay niya na utusan siyang magtapon niyon sa tuwing sasapit ang gabi. Safe naman sa kanilang eskinita, tamad na tamad lang talaga siyang tumayo at lumabas lalo na kapag nakahiga na siya at nanunuod ng kung ano sa laptop. Especially kapag videos ng BIGBANG ang pinapanuod niya.

Yeah. Fantastic Baby ang drama ng buhay ni Selene. She considered herself as the greatest fan of BIGBANG. 2009 pa lang noon, hindi pa ganun kasikat ang korean pop o K-Pop sa Pilipinas, nabihag na ng BIGBANG ang puso niya.

Aksidente kasi siyang naghahanap ng korean drama na mapapanuod uli dahil ayaw na niyang balikan ang Queen Seon Deok nang makita niya ang MV ng Haru haru.

She clicked the video and boom ayun fan na siya. No. -1 fan, mas mataas pa sa 0 at 1.

Kung fangirling lang din naman ang pag-uusapan, malamang valedictorian siya don, mula sa kung anu-anong merch ng grupo; keychains, tshirt, albums, banner, posters--named it all meron siya niyon. Kahit nga 'yung bote ng mineral water na ininom niya nung Alive Tour ng BIGBANG sa bansa eh tinabi niya talaga.

Ganon na talaga siya ka-obssess sa BIGBANG. Kung ang iba sila Brad Pitt, Channing Tatum, Sam Claflin ang gusto, siya naman ay sila T.O.P, GD, Seungri, Daesung at Taeyang.

At kahit kelan hindi naging madali maging fangirl:

1. Kailangan mong magkaroon ng maraming pera. Mahirap magfangirl kapag poorita ka. Nakakaiyak kapag may concert. Napaka-hirap maging Team Labas, Team Airport, Team Hotel at higit sa lahat Team Bahay. Plus, pa ang merch! Juskong mahabagin, wala kang pera, so meaning wala kang pambili ng album, posters, light stick, tshirt, meaning walang sense ang pagiging fangirl mo kundi alaala lang. Wala kang mayayakap sa gabi, titignan kapag nalulungkot ka, pupunasan kapag naglilinis ka ng kwarto, isusuot kapag fans get together at pagpapantasyahan.

Kaya lahat ng part time job noon pinatos na niya, kahit pa maghugas siya ng gabundok na pinggan at mag-tutor ng bwisit na batang panay ang pagtatantrums ayos lang para naman sa BIGBANG ang lahat.

2. Dapat matiyaga. Note, sa lahat ng pagkakataon. Dapat ready kang gumising ng ala-singko ng umaga at pumila ng ala-sais ng umaga sa mall na alas-diyes pa magbubukas kapag releasing ng concert tickets. Syempre, di pa don natatapos 'yon, kapag actual concert willing ka dapat maghintay at tumayo ng ilang oras, maging haggard sa pakikipagsiksikan! Matiyaga ka rin dapat maghintay na magkakaroon kayo ng happy ending ng bias mo, kahit sa parallel universe lang. Haaaaaay

3. Required na 100 per cent ang accuracy ng stalking skills mo. Actually, lumalabas naman 'to naturally lalo na kapag may mga chikang kumakalat, mga babeng assuming eherm, fans na assuming at kung anu-ano pang may kaugnayan sa idol mo. Pero tandaan mo, there's a word "Privacy" and "Respect".

4. You must learn their language. Malamang friend, sagad-sagarin na natin kailangan may basic words kang alam about sa Korean Language. Hindi lang Annyeong Hasaeyo. Naisip pa nga niya no'n na mag-enroll sa Tesda ng palihim o kaya I-pm si Joel Villanueva sa fb, baka kasi may Korean Classes don. Pero ang ending, Duolingo ang kinalabasan.

5. To complete the list, kailangang matapang ka. Lalo na sa mga prejudice ng tao sa kpop-- bakla, kpopanget, bano ang boses, mukhang isda ang mata, mababaho kasi di naliligo, vain, retokado't retokada, di marunong mag-English at kung anu-ano pang panghuhusga ng society sa mga kpop idols. Kung bakit raw ba gustung-gusto ng tao eh hindi naman daw maintindihan ang pinagsasabi at kinakanta. Keber ka lang dapat, kumbaga ganda lang ganern. 'Wag mo silang pansinin, dahil sabi nga nila ang taong was brain, laging maraming sinasabi.

YOU HAD MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon