dwicheorireul mothae
pinunmul eomneun romaenseu
jangdan eomneun game
neoneun orakgarakhago
mellodiga dareun
altowa sopeurano
eochapi urineun
kkeuneojil geoya
ttak jalla malhalge
tarakhaebeorin kkume Eldorado***
PART I
***
Hindi in-expect ni Selene na ganito kaganda sa Mindoro. Hindi talaga siya natulog sa biyahe. Gusto niyang i-appreciate ang magandang scenery sa labas (dahil may kasama na siyang magandang "scenery" sa loob, iyong katabi niyang tulog).
The whole island of Mindoro was breathtaking! Ang alam lang niya sa Mindoro, maraming Tamaraws pero wala siyang idea na ganito kaganda ang lugar! Nasa Pilipinas pa ba sila ni TOP? After long hours of being in a bus, sa wakas nakarating na rin sila sa Mansalay, kung saan nakatira ang tita niya. Na-heads up-an na rin niya ang pinsan niya na pababa na sila ng bus.
Kaagad naman silang sinalubong ng tita at pinsan niya, nang malapit na sila sa bahay ng mga ito. She looked at TOP. Mukha pa itong luting but the hell! He looked so fine. A fine sight, ganitong nasa magandang lugar sila, feeling niya malaya siyang gawin ang lahat sa lalaking ito.
Napansin kaagad ng tita niya si TOP. At ang reaction?
"Ke guwapong bata!" Saan daw ba niya nakuha si TOP. Aba, hindi niya kinuha si TOP, si TOP ang kusang pumunta sa kanila! Sinabi rin niyang taga-Korea ito, buti na lang hindi familiar ang pinsan niya sa mga idol groups. Ngayon lang kasi ito naadik sa K-dramas. Mild pa lang, wala pang gaanong alam. Weightlifitng Fairy Kim Bok-Joo. Goblin at Legend of the Blue Sea lang ang alam. Natuwa pa nga ang pinsan niya na panay ang "annyeong haseyo"
Sa kuwarto ng pinsan niya sila pinag-stay ng tita niya. Kaagad na naupo si TOP sa papag. Okay naman ang papag may kutson naman. At mabango, mukhang prepared naman ang tita niya.
Naupo na rin si Selene sa tabi ni TOP. Mayamaya, nagulat siya nang bigla siyang hatakin ni TOP, dahilan para mapahiga sila! Ano ba naman ito! Kay aga aga!
"TOP!"
"I am tired, Selene." TOP sexily whispered. Why did he sound so freaking sexy? Pumikit si TOP.
Ang lakas lakas ng tibok ng puso niya! Niyakap siya ni TOP. Buti na lang ini-lock niya ang pinto.
Kunwari ka pa, Selene. Ni-lock mo naman talaga for your purposes.
BINABASA MO ANG
YOU HAD MY HEART
Romance"He is your bias. So, can I be your boyfriend?" Si Selene na yata ang pinakadakilang fangirl sa balat ng lupa. She has been a big fan of BIGBANG since time immemorial. At gaya ng iba pang milyon-milyong fangirls, hinihiling din niya na sana kahit mi...