27. Monster

34 4 2
                                    

I love you baby I'm not a monster
neon aljanha yejeon nae moseubeul
sigani jinamyeon sarajyeo beoril tende
geu ttaen al tende baby

I need you baby I'm not a monster
nal aljanha ireoke gajima
neo majeo beorimyeon nan jugeobeoril tende
I'm not a monster

***

Kahit magkamatayan na hindi aamin si Selene na excited siya sa mall tour ni GD. Kaya nga alas-singko pa lang ng umaga nakagayak na siya.

Wow lang, Selene. Ayan ba and hindi na fan

Sa totoo lang kinakabahan siya. What if kung nakita siya ni GD noon at natatandaan nito ang mukha niya. Pero ano namang pakialam ni GD sa kanya as if may magagawa ito. at kalalabas lang palang nito ng military. At for sure, si TOP din baka two months ago pa or what.

Medyo may limang tao nang nakapila sa labas ng SM Megamall. Pagdating niya. Agad niyang tinext si Cheska. Saktong ala-sais ito dumating.

"Wow aga ha. Di na raw fan."

"Sino ba kasing namilit sa akin dito."

"Ako, paano di ka pa rin kasi maka-move on sa inyo ni TOP."

Napatingin si Selene sa paligid. Nakita niyang napangiti ang katabi niya sa pila. Malamang alangan namang maniwala ang mga ito na nagka-something sila ni TOP. Lahat naman ng fangirls ganoon ang dialogue.

"Hay nako, Ekang."

"Ano di ka magpapakita kay GD?" Nilakihan niya ito ng mata.

"What? Don't worry wala namang maniniwala sa tin dito. Haha. So, hindi nga?"

"Hindi ko alam."

"Wow saying naman ipinila natin dito no."

"Sabi mo nga di ako non naalala."

"Eh paano kung oo? Ano ka?"

"E di oo. Anong gagawin niya sa akin? Ibibigay niya si TOP? Dadalhin niya ako sa Korea—

"Ahm, excuse me po writer po kayo sa Wattpad?"

Sabay silang napatingin ni Cheska sa isang ate na bigla na lang silang nilapitan.

"Ha?"

"Bakit?"

"Ah kasi po nag-uusap po kayo siguro about fanfiction. Mahilig po kasi ako sa mga ganoon ipa-follow ko po sana kayo." Nag-peace sign ba ang babae.

Fanfiction? Gustong matawa ni Selene. So tunog istorya ba ang pinaguusapan nila? Kung fanfiction lang din ang mayroon sila sana happy ending na agad ang nilagay niya.

YOU HAD MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon