Naegeman sokssagyeojweo dalkomhan ne geu ipssullo
Nae gyeoteseoman sarajweo gachi heullyeottteon geu nunmullo
Haneul bomyeo maengsehaetjjanha
Uri yeongweonhagiro maennal gidohae
Nal mideo ye neol saranghae (Come on)***
TOP's face had been blurred on some KBS shows. </3
***
Kapag fangirl ka, palagi kang agitated kapag idol mo na ang pinag-uusapan. Tipong maliliit na detalye mahalaga sa 'yo. Alam na alam ni Selene ang feeling na iyon, dahil #VIPUntilWhenever siya.
Sabi nila, never daw siyang nag-mature pagdating sa pagiging fan ng BIGBANG. Lahat nga raw medyo naka-move on na mula nung mag-hiatus ang grupo, pero siya nanatiling VIP pa rin.
#UntilWhenever
But when TOP came, aminado si Selene na nag-mature na siya at some point. She had learned to limit her emotions. Natuto rin siyang maging passive kahit papaano. Sigruo defense mechanism niya iyon noon, na huwag ngang makibalita sa BIGBANG for two years dahil ayaw niyang masaktan.
Kaya kung ang dahilan kung bakit medyo tamed (tamed na talaga sa lagay na iyon kahit pa naka-100 selfies na siya kila Seungri kanina) ay dahil nasaktan siya? She could never knew. Maybe.
TOP had made a great impact on her life. Na-realize niya na meron talagang boundary ang mga bagay-bagay. Na may mga pagkakataong dapat tanggapin na may bagay talaga na hindi uukol.
She should be thankful, right? Na kahit papaano maipagyayabang niya na nahalikan at naka...well, eherm naka-chukchak (Her officemate's term on making love) niya si TOP.
She blushed at the thought.
Kaya ngayon hindi puwedeng magkamali si Selene sa nakikita. It was...GD.
GD was standing in front of them.
Maraming bagay ang nag-uunahang pumasok sa isip ni Selene. Una, nasaan ba sila, bukod sa mukhang secluded ang lugar (malamang, baka dumugin ang YG artists na 'to kung nasa public place kayo), Pangalawa, ano ba talagang nangyayari sa kanya? Bakit siya kinidnap? Ano ang balak ng YG sa kanya? Kakasuhan na ba siya ng kidnapping dahil tinago niya si TOP two years ago? Pangatlo, nasaaan ba ang bestfriend niya? Alam niyang may alam ito sa mga nagaganap.
AT PANG-APAT, BAKIT NGITING-NGITI SA KANYA SI GD?
"Selene" Her name sounded as "Serenu" nang bigkasin ni GD.
Napatingin si Selene kay Dara, parang na-gets naman nito ang pagkalito sa mukha niya.
"Okay lang 'yan, Selene. Magugustuhan mo ang mangyayari. After all you deserved it. Both of you."
Teka, alam ba ni Dara na si TOP ang ex (okay, he deserved to be called as 'ex') niya at hindi si GD?
BINABASA MO ANG
YOU HAD MY HEART
Romance"He is your bias. So, can I be your boyfriend?" Si Selene na yata ang pinakadakilang fangirl sa balat ng lupa. She has been a big fan of BIGBANG since time immemorial. At gaya ng iba pang milyon-milyong fangirls, hinihiling din niya na sana kahit mi...