7. Lies

53 5 0
                                    

Neo eomneun naegen useumi boiji anha
Nunmuljocha goiji anha
Deoneun salgo sipji anha

Yeah Yeotgatae yeol badge
Ne saenggake dorabeoril geot gatae
Bogo sipeunde bol suga eobde
Modu kkeutnatde I'll be right there

A very short update. 

***

"When you say "Good Morning" you say it as "Magandang Umaga, kapag naman "Good Evening" , "Magandang Gabi", teka, I mean wait are you listening?"

Nasa kubo sila nang mga oras na iyon. Tinuturuan niya si TOP na mag-Tagalog, basics lang dahil wala siyang future para maging teacher/tutor.

Kahit pa si TOP ang estudyante mo?

"Ye" TOP was intently looking at her. Bakit na naman ba 'to titig nang titig? Kapag ba naman tumitig si TOP parang lumulabas ang kaluluwa niya at naglalagalag sa kung saan.

"Stop staring at me." Saway niya rito. Napainom siya ng iced tea. Parang uhaw na uhaw siya at tuyot na tuyot ang lalamunan niya.

"I can't help it, Yeppeuda."

Mag-focus ka, Selene

"Try saying Magandang Gabi."

"Magunduhng Gabi." She can't help but laugh at TOP's pronunciation.

"You're making fun of me."

"I am not, you're just so cute." Bago pa siya maka-react pinindot na nito ang ilong niya.

Para na siyang mabibingi sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Paano pa hindi lang ilong niya ang pinindot ni TOP?

AHHHH!

"Let's start with this, you should learn the basics, okay?" Pa- iritang effect pa ang pagkakasabi niya. Bumuntong-hininga si TOP.

"Maganda is beautiful."

"Ma-gun-duh." TOP looked at her. "You're the perfect example of that word."

Oo na! Naniniwala na ako!

Ang haba-haba ng buhok ni Selene nang mga oras na iyon. Sabagay lahat naman ng oras na kasama niya si TOP feeling niya mas pa siya kay Rapunzel.

Biglang nalungkot si Selene. Hindi na niya alam kung tama pa ba ang mga nangyayari sa kanila. But one thing is for sure, ayaw na niyang matapos ang mga sandaling iyon.

Alam niyang mali na hayaan niyang hindi maalala ni TOP ang lahat. Mali siguro na imbis na tulungan niya itong bumalik ang memorya, kinukunsinti niya pa. Oo, pabor sa kanya iyon. Pero hindi niya ba naisip na baka nahihirapan din si TOP? Na baka nag-iisip din ito sa gabi kung nasaan ito, sino ito, bakit ito nasa isang lugar na walang kahit sinong kilala, isang lugar na hindi nito maintindihan.

She knew she was being unfair and selfish. Inuuna niya ang sariling kagustuhan kaysa sa kung ano ang tama.

Pero hindi ba ganoon naman minsan ang tao? Minsan kahit alam nating mali, mas pinipili nating manatili doon hindi dahil gusto natin, kundi dahil takot tayong harapin ang katotohanan. Natatakot tayong sumubok.

Will she choose to do the right thing? Susugal na ba siya?

"Let's make a deal, Selene." TOP said while intently looking at her. Pakiramdam ni Selene malulunod siya sa mga matang iyon.

"Huh? W-what deal?" Napalunok siya.

"I'll let you teach me those Tagalog words, but you will help me bring back my memory." Halos pabulong nitong sinabi ang mga salitang iyon.

Biglang may bumundol na bagay sa dibdib ni Selene. Pakiramdam niya sasabog ang puso niya.

She looked at TOP. Ngayon lang niya napansin kung gaano kalungkot ang mga mata ng lalaki. Sa mga pagkakataong nanatili ito sa kanila ay ngayon lang niya nakita ang emosyon na iyon.

Lungkot at takot.

TOP trusted her. Dahil kung hindi, matagal na itong umalis sa kanila. Matagal na siguro itong tumakas at naghanap ng paraan kung paano ito makakaalala.

"Y-ye."

Selene's tears started to fall. Kung bakit? Hindi na niya alam. Isa lang ang alam niya. She could not let TOP suffered more because of her. Hindi na mahalaga kung fan siya ng BIGBANG. Hindi na mahalaga kung mas gusto niyang makasama pa ito ng mas matagal.

She will do it because TOP is a human. He deserved to be happy.

I am still a fan right?

"Y-yes. Let's make a deal."

YOU HAD MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon