25. Last Dance

36 3 13
                                    

neowa soneul jabgo
chumeul chudeon eojetbam
challani bichi naneun
areumdaun One last smile
ppaljunocho al su eobtteon hwangholgyeong
naega bogo neukkideon
sesanggwaneun an eoullyeo  

***

Naiiyak pa rin ako sa kantang 'to. Last Dance <3

***

Nagmulat ng mata si Selene. She hugged her pillow. It smelled like TOP. Napangiti siya. She was not the cuddle type pero kung si TOP lang naman ang magka-cuddle siya kanya go lang ng go. Ilang gabi na silang magkatabing matulog at kahit kailan ay hindi siya magsasawa na ang mukha ni TOP ang una at huli niya makikita araw-araw. Sino pa naman ang choosy? Hello, Choi Seung-hyun na ito oh!

Napatingin siya sa wall clock. Alas-otso na ng umaga. Medyo tanghali na. Shocks baka isipin ng tita niya, napagod siya kagabi. Pero promise hindi sila nag-keme ni TOP kagabi. Yakap lang huy!

Nasaan kaya si TOP? Nung mga nakaraan kasi ay hindi umaalis ang lalaki kapag natutulog pa siya. Lagi siyang nagigising na nakatitig ito sa kanya.

Hahanapin na lang niya si TOP baka kasi lumabas lang o ano. Matapos magtali ng buhok ay lumabas na siya ng kuwarto.

"Tita? Nasaan si TOP Bumili po ba ng almusal?" Baka kasi kasama ng tito niya.

"Selene, anak. Hindi ko alam. Hindi ko pa nakitang lumabas. Wala ba sa kuwarto?"

"Wala po eh."

Hindi raw napansin ng tita niya. Kinabahan si Selene. Nasaan ba si TOP? Lumabas siya ng bakuran. Naabutan niyang nagwawalis ang pinsan niya.

"Be, si TOP?"

"Di ko pa napansin, ate."

Lumabas siya ng gate. Nasaan ba si TOP? Umalis ba ito pero saan nagpunta? Aligaga na siya. Para siyang natatae na ewan. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Pinagpapawisan na rin siya nang malamig. Ayaw niya i-entertain ang isang bagay na pilit nagsusumiksik sa utak niya. Ayaw niyang ma-paranoid o ano.

"TOP, where are you?" Nasaan ka ba?

Tumakbo siya pabalik sa bahay. Umakyat siya sa kuwarto nila. Ganoon naman sa mga Korean drama 'di ba? Laging may iniiwang note ang bida kapag umaalis. Baka kasi umalis lang saglit si TOP baka nagiwan na bibili lang pala ng kung ano. Pero makakaalis ba si TOP nang walang kasama? Wala itong kakilala sa Mindoro. Could it be?

Napaupo siya nang makitang wala ang bag ni TOP. Pero nang buksan niya ang aparador ay nandoon ba ang mga damit nito. 

Totoo ba ang naiisip niya? Umalis ba si TOP? Teka, Day six palang ah. Day six palang bukas pa ang Day seven. Bakit kailangan na nilang maghiwalay? Bakit kailangang mawala na sa kanya si TOP?

Ano'ng ginawa mo TOP?

Then something caught her eye. A letter. Her tears started to fall. Hindi pa man niya nababasa ang sulat, naiiyak na siya. Parang may idea na siya kung ano ang laman niyon.

Selene-a,

I love you. Please believe that I do. But I have to do this. It's for our own good. I don't want to do this but I have no choice. I knew you would be mad when you read this letter. Because I've promised you. I've promised that I will choose you, but I just can't. I can't sacrifice you. I need to fix this. I need to make things right. But after this, I will come back. I will come back to you.

Hindi siya makahinga. Nangako si TOP diba? Nangako sa kanya. No good-byes pa nga raw. At siya ang pipiliin kahit anong mangyari. Pero iniwan siya. Iniwan siya nang walang paalam. Anong sinabi nito na siya ang pipiliin? 

Pero di ba iiwan niya rito dapat bukas? Naunahan lang siya. Pero hindi sa ganitong paraan, magpapaalam siya nang maayos. Mag-uusap sila. Hindi iyong ganitong mag-iiwan lang ng sulat nang walang pasabi. Na wala siyang choice. Na hindi na niya ito puwedeng pigilan. Na hindi siya puwedeng mangatwiran. Hindi siya puwedeng umiyak sa harap nito.

She closed her eyes. Hindi siya makakakilos. Galit siya. Galit siya pero hindi niya alam. Iyak siya nang iyak at natuluan na ng luha niya ang sulat. Bakit ganoon iyon kasakit?

Selene read the last part of the letter. She knew that she would never be the same again.

사랑해, 미안해

- 최승현

YOU HAD MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon