30. GARAGARA GO!!

38 4 8
                                    

Soshite odore wo dance floor
Motto movin' groovin'
Ikashita party

Say B I G to the bang
Sawagi ga asa made
Just dance!
Gara Gara Gara Go!
Oretachi no way
La La La La La  

***

One word. Ang guwapo ni Seungri. Mygulay. 

Anyway, super badtrip ako sa trainee na kasama ni TOP sa Marijuana Scandal on her IG live video. Grabe sexual insult na iyong sinabi niya kay TOP. GIGIL!

I might write a IU and GD Fanfic. Cute nila eh! <3

***


"Annyeong! Selene. Kumusta ka?"

What? Teka bakit nandito si Dara? Napatingin si Selene sa dalawang lalaking sapilitan siyang isinakay sa itim na Grandia.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya kanina. Halos himatayin na siya dahil biglang may dalawang lalaki na lang na bigla siyang hinigit at isinakay sa van. Bakit ba lagi na lang siyang paboritong holdapin o kidnapin?

Oo, di ba nga si TOP akala mo holdaper

Nasa gitnang upuan sila ng van at katabi niya ang dalawang lalaking nakasuot pa rin ng bonnet. Napatingin siya kay Dara sa passenger seat na nakangiti at nakatingin pa rin sa kanya.

Teka nanaginip pa siya? Ano na bang nangyayari? Wait lang, concert ng BIGBANG bukas, ayaw man niyang mag-isip ng kung ano-ano pero hindi na niya kinakaya ang tibok ng puso niya. Magsasalita na sana siya nang biglang tanggalin ng dalawang katabi niya ang bonnet ng suot ng mga ito.

And she got the shock of her life.

"SEUNGRI???????!!! DAESUNG??!!"

Sabay pang nagsalita ang dalawa. "Annyeong haseyo."

HALOS HINDI MAKAHINGA SI SELENE. PARANG SASABOG NA ANG PUSO NIYA SA SOBRANG EXCITEMENT AT KABA. ANO BA KASING NANGYAYARI?

"Selene, hello. Alam kong nagulat ko. Pero hello pa rin!"

Tingnan mo nga naman 'tong si Sandara Park, oo. Palibhasa hindi mamatay sa kaba!

"A-anong nangyayari?"

Bago pa makasagot si Dara nag-ring na ang cell phone nito.

"Yes, oo, nandito na siya. Don't worry. Nagulat lang siya."

Sino namang kausap nito?

Hinarap uli siya ni Dara, na-realize siguro na gusto niyang magtanong.

"It's Cheska."

"WHAT?"

"Easy, Selene." Natawa si Dara. "Hindi 'to makakasama for you. In fact, magugustuhan mo pa nga ito eh."

"Teka lang, Dara. Ano ba talagang nangyayari? Hindi ba weird na tinatawag kitang 'Dara' lang? Shet, di ako makapaniwala! At bakit katabi ko si Seungri at Daesung?! Nasa langit na ba ako?!!!"

Napatili siya sa pinagsama-samang emosyon. Ano ba kasi talagang nangyayari sa buhay niya? Baka naman nanaginip siya. Kinurot niya ang sarili niya para lang mapa-aray.

Dahan-dahan siyang napatingin kila Seungri at Daesung. Gusto niyang tumili dahil face to face sila ng idols niya.

Daebak!

Hindi iilang beses niyang hiniling ang pagkakataong ito. At siyempre hindi na niya papalagpasin pa.

"Seungri-ssi, Daesung-ssi, can I take a selfie with you? Later ka na Dara, lagi ka namang nasa Pinas eh, etong dalawa once in a blue moon."

Natawa si Dara. Nakailang selfie rin siya dalawa. Hindi na niya kailangan pang magbayad ng 18k para sa send off party, soundcheck, hi-touch at meet and greet. Kailangan lang niya ng ganda at kalandian.

"So I guess, comfortable ka na?"

Tumango si Selene. She didn't want to feel agitated. Kailangan pa rin niyang malaman kung bakit siya dinala ni Dara at kung saan sila pupunta ngayon.

"Alam kong gusto mong magtanong kung saan tayo pupunta. But that's a secret."

"Eh ano pa pa lang silbi bakit pa ako magtatanong."

Si Krung talaga!

"Baka lang maisipan mo?" Nag-peace sign si Dara.

Napabuntong-hininga si Selene.

"Bakit ako kinidnap kuno?"

"Para may thrill hehe"

"Jusko ka Sandara Park! Jinja!"

Natawa ang dalawa. Feeling naiintindihan ang pinaguusapan nila. Nginitian niya si Seungri. God, he was so handsome! Ang dimples oh la la! And Daesung! Gosh, di niya in-expect na ang sexy nito sa personal!

"Nandito na tayo." Dara winked at her. May sinabi ito kila Seungri na hindi niya maintindihan.

Bumaba sila ng sasakyan. Luminga-linga sila sa paligid. Nasa garden sila? Teka, bakit garden? Sa ayos ng garden parang may katatapos lang na debut o kung ano. Napakaraming pink na lobo. Na wala naman sa ayos. Parang basta na lang isinalpak at isinabit.

Nauuna sila Dara samantalang kasabay niyang maglakad si Seungri. At nasa likod niya si Daesung, at kausap ang driver...

TEKA SHET SI TAEYANG ANG DRIVER?!!!

"Taeyang?!!!" Napalakas ang boses niya kaya napatingin si Dara. Parang natatawa itong habang nakatingin sa kanya.

YB just waved at her at gusto niyang malusaw sa kinatatayuan.

SHOCKS, SANA WAG NANG MATAPOS TO LORD!

Then someone caught her eyes. Na kahit nakatalikod sigurado siya kung sino. Her heart skipped a little nang humarap ang lalaki. May hawak itong tatlong roses.

"GD?"

YOU HAD MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon