Motdoen beoreutcheoreom tto saenggagina
Godoen sarme jichyeo neol myeot beonina
Tteoollida utgo geuriume ulgo
Nan jichyeobeoryeo jami deureotji***
ENDING NA! MISS NA MISS KO NA SI TOP AND THE BOYS! COMEBACK NA PLEASE!
This concert made me cry. Tho, wala si TOP. Huhuhu. See u all after 2 years. 😭😭😭
***
Walang pakialam si Selene kung maipit man siya ng barikada. O para ng slaman ang crowd ngayong gabi. Ang alam lang niya? This was one of the best days of her life. As a VIP and as a woman.
Na kahit gaano karami mang K-pop idols or group ang ma-discover, she would never forget BIGBANG. Hindi niya makakalimutan kung paano siya pinasaya ng lima. Kung paano niya naging inspirasyon ang kanta ng mga ito. Kung paano siya na-excite sa tuwing i-aannounce na may bagong kanta. Kung paano siya naghintay na ilabas ang music videos. Kung ilang beses siyang gumawa ng account para makabot sa iba't ibang award giving bodies.
Na kahit lumipas man ang maraming taon. Surely, BIGBANG would have their own families. Ten or twenty years laters. Darating din sa puntong, malalaos na sila nang tuluyan. Wala nang makakaalala. Matatabunan na ng mas magagaling. Hindi na rin sila makakanta at makakasayaw. But she would never forget that there was a time that BIGBANG sang together in one stage. And they had changed lives.
Halos hindi na niya maramdaman na marami pa lang tao. Paglabas pa lang ng BIGBANG, tumili na siya nang pagkalakas-lakas. She was screaming at her heart's content for these men.
Halos hindi siya makahinga. Ang lakas lakas ng tibok ng puso niya.
BIGBANG started singing BANG BANG BANG as their opening song. Kahit kabisado niya ang lyrics parang sa sobrang happiness na nararamdaman niya hindi na siya makakanta.
"Selene! Ang energetic naman ng BIGBANG!" sigaw ni Cheska sa kanya.
Napangiti lang siya. Nang part na ni TOP ay tinitigan niya ito. Given na sobrang guwapo ni TOP sa suot nitong red coat and white pants.
Ang guwapo mygod! Ang guwapo ng boses!!!!!!
"TOP! Mahal ko!" hindi napigilang sigaw ni Selene. Eh ano kung faney na faney yang tunog niyon? Ah basta! Sa kanya naman na si TOP eh!
Narinig niyang natawa ang katabi niya. Na hindi niya alam kung bakit na sa ingaw ng crowd narinig pa ang sigaw niya.
Bigla na lang lumipat si TOP sa kabilang side ng stage na malayo sa kanya. Habang si Seungri na ang kumakanta.
"Ano ba 'wag kang lumapit jan, TOP naman eh!"
"Selosa!" natatawang sigaw ni Cheska.
"Akin naman talaga siya ah."
BINABASA MO ANG
YOU HAD MY HEART
Romance"He is your bias. So, can I be your boyfriend?" Si Selene na yata ang pinakadakilang fangirl sa balat ng lupa. She has been a big fan of BIGBANG since time immemorial. At gaya ng iba pang milyon-milyong fangirls, hinihiling din niya na sana kahit mi...