geudaen asinayo itjanhayo
jigeum geudaega neomu bogopayo
gogae sugyeo nunmul humchyeoyo
dangsinui ireumeul bulleoyokkok ireoke nal namgyeodugo
tteonagayaman haenneunji***
Sunset Glow was released on 2008. Almost 9 years na ang nakalipas. I really really really miss my OT5. :(
***
TWO MONTHS LATER...
Two years ago, halos walang makapantay sa excitement na nararamdaman ni Selene, dahil sa wakas babalik na sa Pilipinas ang BIGBANG. Her OT5 would be back. Iisang hangin na lang uli ang hihingahin nila ng mga boys. Kulang na lang markahan niya lahat ng kalendaryo bago sumapit ang concert date.
Mukha rin siyang baliw na halos isang buwan namili ng isusuot. Iyong hindi siya dapat magmumukhang hardcore na faney na faney. Kelangan medyo discreet lang siya. Lowkey lang ganern.
Naisip niyang mag-shorts, mag-dress (never magpalda baka kasi mahubaran siya sa mosh pit!) kahit na anong puwedeng i-partner sa official T-shirt ng MADE Tour. Kailangan may something striking din sa porma niya para mapansin siya ng BIGBANG. Iyong tipong may malaking ribbon o kaya super laking hikaw etc.
Pero sa dami nang pinuntahan niyang mall. Ang ending, isang tattered shorts lang ang nabili niya noon.
Sobra din siya kung maka-stalk sa BIGBANG. Pati oras ng pagdating ng lima inalam niya. At siyempre isa siya sa libo-libong fans na nakisigaw sa airport. At one hour before ng concert, halos namamawis na ang kamay niya kakahawak sa official lightstick. At muntik na talagang malaglag ang puso niya nang kantahin ng BIGBANG ang Bang, Bang, Bang bilang opening.
And four years after, babalik uli ang BIGBANG sa Pilipinas. Pero hindi na lang excitement sa concert ang nararamdaman niya. Kundi excitement na rin na makita ang isa lima—the man who turned her world upsidedown.
Ready na ba siya? Sa loob halos ng dalawang buwan, pinilit ni Selene ang sarili na maghanda ng umaatikabong speech sa harap ni TOP. Iyong tipong hindi agad siya bibigay. She would let him chase her. Pero ngayong bukas na ang concert, parang nagdadalawang-isip na siya kung dapat pa niyang ituloy. Kung dapat pa ba siyang tuloy.
But could she sacrifice her happiness? Dahil alam niyang sasaya uli siya kapag nakita niya si TOP. Kay TOP lang uli siya sasaya.
Pinili niya sigurong wag mag-move on. Na makalimot lang sa mga alaala ng lalaki. Pero hindi makalimot na magmahal dito.
What they had was just a fleeting romance. Isang kisap matang nangyari, isang kisap mata ring nawala. But deep in her heart, hindi sa isang kisap mata niya maipagpapalit ang lahat ng nangyari sa kanila ni TOP.
Kailangang pumunta ni Selene sa mall. Ayaw man niyang aminin pero gusto niyang maging maganda bukas. Malay niya, hindi na siya iwan ni TOP. She smiled at the thought.
Nakapag-manicure, pedicure at footspa na siya nang mag-decide siyang mag-ikot-ikot sa Department Store ng SM. Gaya noong MADE Tour baka mag-official T-shirt lang din siya. Bet niya lang ngayon mag-headband. Matapos makabili ng neon pink na headband na may ribbon lumabas na siya ng Dept. store. Nag-ring ang cell phone niya. It was Cheska.
"Nasaan ka?"
"SM."
"Wow, sungit. So nakabili ka na ng damit tomorrow?"
"Nope. Wala akong balak magdamit ng bongga." Pababa na siya ng escalator.
"Wow lang! In denial pa, if I know excited much ka tomorrow. Bes, first time mo mag-super VIP."
Hindi naman ticket na matatawag ang iniabot sa kanila ni GD, two months ago kundi ID. Basta hindi niya ma-explain para pass or what.
"What's this?" tanong ni Selene sa kuyang translator.
"Here's my number. Keep this. This is very confidential. It is only for the both of you. You need to text me at the day of the concert."
"So we're considered as VIP?" tanong ni Cheska.
"Super VIP" Si Selene na ang sumagot. Pabor ba sa kanya iyon o agrabayado siya? Napatingin siya kay GD. Ngumiti ito. Gusto niyang tumili. Teka, nagtataksil ba siya? Siguro naman puwede silang maging magkaibigan ni GD 'di ba? O baka naman...
"Ye" GD said, nakangiti pa rin na parang na-gets ang sinabi niya. Sabagay, medyo marunong namang mag-English si GD.
"Ekang, sibat na tayo."
"How?"
Shet isa pa iyon sa malaking problemang kailangan nilang i-solve. Alas-nuwebe na ng gabi pero marami pa ring tao sa labas. Parang naintindihan naman ni Kuya ang problema nila.
"I'll help you." Tinawag nito ang isang Koreano. Nag-usap ang dalawa. Mayamaya lang may dala ng dalawang black overall ang lalaki na may kasama pang cap at face mask.
Iniabot sa kanila ni Kuya Translator ang mga iyon. "Wear this. They won't notice you."
"Gidalim" sabi niya. Teka lang, papalagpasin pa ba niya ang pagkakataong ito? "Can I request a selfie on GD?"
Tumingin ang lalaki kay GD. Nakatinging tumango si GD. Saka lumapit sa kanya.
God, ang sexy!
Nag-selfie na sila. Naka-limang shots din sila. Ang heaven sa feeling! Kabog ang lahat! Ang saya-saya niya!
"Can I hug--
Bago pa niya namalayan niyakap na siya ni GD.
OMO OMO MY FANGIRL HEART!
"Excuse me, VIP ako nung MADE with send-off party pa 'yon."
"Gaga, eh 'yong send off party non matagal pa ata pagtae ko. Milliseconds eh bukas? Kahit matulog ka pang katabi ni TOP."
Bumilis ang tibok ng puso ni Selene. Pero parang ayaw pa rin niyang ma-excite nang bongga. Dati na-excite siya pero iniwan lang siya.
Haaaay
"Bakit ka napatawag?" Kasalukuyan na siyang naglalakad sa hi-way. Malayo-layo pa kasi ang sakayang ng tricycle pauwi sa kanila. Ayaw niyang mag-taxi sayang pera.
"Wala lang, nangungumusta."
"Nangungumusta o nang-aasar?"
Napatigil siya sa paglalakad nang biglang may humintong kotse sa harap niya. Gosh! Muntik na siyang mabangga! Baka naman mategi pa siya nang di uli nakikita si TOP!
"What the—"
"Bes?"
Nagulat na lang si Selene nang may dalawang lalaking naka-bonnet ang bumaba sa sasakyan at agad siyang pinalibutan. Bago pa siya maka-react mabilis na siyang naipasok ng mga ito sa kotse.
Teka? Bakit may hold-up scene?
BINABASA MO ANG
YOU HAD MY HEART
Romance"He is your bias. So, can I be your boyfriend?" Si Selene na yata ang pinakadakilang fangirl sa balat ng lupa. She has been a big fan of BIGBANG since time immemorial. At gaya ng iba pang milyon-milyong fangirls, hinihiling din niya na sana kahit mi...