chapssaltteok chapssaltteok
gunghabi uri uri gunghabi
chapssaltteok chapssaltteok
gunghabi uri uri gunghabi**
Walang connect ang title sa inside ng chapter hehe ala na kasi ako ma-i-title. Like ricecakes, our chemistry.
**
Two years after...
"Huy bes"
Napatingin si Selene kay Cheska. Nasa coffee shop sila nang mga oras na iyon.
"Ne?"
"Wow, Korean lang ang peg. 'Di ka pa rin maka-move on?"
"Bastos." Napainom siya ng milk tea.
Naka-move on na ba siya? Hindi na siguro. Lumipas ang dalawang taon na nananatili pa rin siyang nakatanga at naghihintay na bumalik si TOP. The moment he left her, kinuha nito ang lahat-lahat sa kanya.
At hindi ako nagtira para sa akin
She smiled bitterly. Nagalit siya nung oras na iniwan siya nito. Pero mga ilang araw lang ay inamin niya sa sarili niya na hindi naman talaga siya galit. Hindi na niya kayang magalit.
"Cheska. Umalis na si TOP. U-umalis na siya. I-iniwan na niya ako."
Halos patakbo niyang niyakap si Cheska na naghihintay sa kanya sa Calapan Port. Nang sabihin nitong nakarating na ito ay kaagad siyang pumunta roon. Sinabi niya na lang sa tita niya na nagkaroon ng emergency at kailangang mauna ni TOP. Bago siya umalis isinama niya sa pageempake ang mga damit ni TOP. She would always treasure those things. Hindi niya iyon lalabhan. Iyon na lang ang natitira sa kanya ngayon.
"Sshh."
Tuloy-tuloy ang luha niya. "Ang daya-daya niya. Sabi niya di niya ko iiwan. Sabi niya ako pipiliin niya. May pa "no good-byes" pa siyang nalalaman pero sinungaling siya. Sinungaling siya, Cheska!
"Sana nakipaghiwalay na lang siya nang maayos. Sana sinabi na lang niya na aalis siya. Papayag naman ako eh. Di ba nga ako pa dapat ang aalis? Dahil hindi ko kakayanin kapag umalis siya. Hindi ko kaya.
"Dapat noon pa lang ipinamigay ko na siya pero kasi eh nangako pa siya, ako namang si tanga hala sige bigay lang. Bigay lang ng lahat kasi mahal ko eh. Mahal na mahal ko. Kahit dinudugo na ako kaka-English okay lang. Babalik pa ba siya, Cheska?"
Cheska hugged her tightly.
"Siyempre, tanga ba ako? Malamang hindi na. Ako babalikan? Sa dami nang magaganda sa Korea, ano lang ba ako? Saka hello, paano na ang career ni TOP? Pero Ekang, hindi ko kaya."
BINABASA MO ANG
YOU HAD MY HEART
Romance"He is your bias. So, can I be your boyfriend?" Si Selene na yata ang pinakadakilang fangirl sa balat ng lupa. She has been a big fan of BIGBANG since time immemorial. At gaya ng iba pang milyon-milyong fangirls, hinihiling din niya na sana kahit mi...