Baby I swear haneurarae uri dulbakke
baneulgwa silgatae..
milgo danggigo aungdaunghae
mitgo akkigo sarang gaunde
nunmureul dakka julkke bitnaneun ne nune
hayan misoman gadeukhage
Go back (Cause you are my love)
Way back (I wanna know you)I am crying. I miss BIGBANG so much.
***
Selene cried all night. Iniisip pa rin ang nangyari sa kanila ni TOP. Silly, but she is acting like a crazy girlfriend. Ano ba ang iniiyak niya? Wala naman. Wala naman siyang karapatan. Was she in love with him?
Agad-agad? Ilang buwan lang siya dito? Mahal mo na agad? Pinakikitaan lang ng sweetness?
Mukhang kailangan na niyang magising sa kahibangang iyon. TOP asked her for a deal. Tuturuan niya itong mag-Tagalog at tutulungan niyang bumalik ang alaala. Hindi ba't pareho siyang dehado roon? Sabagay, baka nga naman naiisip ni TOP na makulit siya at para matigil na siya hahayaan na siya nitong magturo hanggang sa gusto niya.
Ano ang una niyang gagawin ngayon? Pupunta na ba siya sa Korean Embassy o kaya magpopost sa Facebook? She smiled bitterly.
She looked at the posters in her room. Baka pag nakita ni TOP ang mga iyon ay magulat ang lalaki. Tumayo siya bigla ng kama saka iniisa-isang tanggalin ang mga posters ng BIGBANG. Mukha siyang luka-lukang umiiyak habang ginagawa iyon.
Inisa-isang inirolyo ang mga posters. Umupo siya sa kama. Huminga siya nang malalim.
Inaalala niya ang mga pagkakataong sobrang saya niya tuwing may lalabas na music video ang BIGBANG. Parang ginto niya kung ituring ang mga iyon. Lalo na nung 2012, nung lumabas ang MV ng Fantastic Baby. Iyak siya nang iyak noon. Feeling niya hindi lang sa KPop Wave bumalik ang BIGBANG kundi pati na rin sa buhay niya.
Ngayon umiiyak na naman siya dahil sa BIGBANG. Hindi talaga yata healthy maging fan ano? O sobrang OA lang talaga niya. Dahil siguro ang matinong tao naman hindi kagaya niya.
Sa gitna na siya ng pagtatago ng mga posters nang bumukas ang pinto. Hindi niya ba nai-lock iyon kagabi?—
"Selene." Those deep voice that will haunt her heart forever.
Pero bakit ito nasa kuwarto niya?
Siyempre, magpapatulong na yan kung paano makakaalala.
"Are you crying?"
Suminghot siya, hinding-hindi niya ipapakita sa lalaking umiiyak siya.
"Aniyo. No." bago pa siya makapagsalita uli. Lumapit na si TOP sa kanya. Ikinulong nito sa palad ang kanyang mukha.
"Why are you crying?"
Umiling-iling lang si Selene.
Paano niya ba sasabihin kay TOP na wag na lang itong umalis? Na dito lang ito sa tabi niya. Na wag na itong bumalik pa ng SoKor. Pero puwede ba yon? Syempre hindi. TOP's life is better off without him. At kahit mawala siya sa buhay nito. Hindi iyon magiging kaso.
"I am afraid, Selene. i don't know what to with you. With us."
Me too. Me too, TOP, kung alam mo lang
"Mian-he. I am so sorry. Am I hurting you?"
"Aniyo. No. Why would you?"
"I don't know. Don't cry please."
Huminga siya nang malalim. TOP was looking at her eyes. Para siyang tangang umiiyak pa rin.
Hanggang sa niyakap siya ni TOP.
"I don't want you to go." She whispered.
Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Selene?"
Sana pala hindi ko na lang sinabi. Bakit ko pa kasi sinabi?
"It's nothing forget it—
Nagulat siya dahil napatingin si TOP sa taas ng cabinet. She is a fucking moron. Bakit niya nakalimutan na may picture don ng BIGBANG na naka-frame? Shocked was written all over TOP's face.
"Is that?—
She stopped whatever he is trying to say. She kissed him.
Bahala na. last na'to, Lord. Promise.
BINABASA MO ANG
YOU HAD MY HEART
Romance"He is your bias. So, can I be your boyfriend?" Si Selene na yata ang pinakadakilang fangirl sa balat ng lupa. She has been a big fan of BIGBANG since time immemorial. At gaya ng iba pang milyon-milyong fangirls, hinihiling din niya na sana kahit mi...