Alam mo ba ika'y laging nasa isip,
Puso'y hindi makapakali't
Laging namimilipitAko'y umaasa na sana balang araw,
Ako'y iyong makita na sa iyo lamang nakatanawParati lamang akong naghihintay,
Sa mga katagang matagal ko ng hinihintay,Ako ba'y iyong gusto?
O ako lamang ang may gusto?Nais ko sanang sumuko na
Ngunit sa bawat bitaw,
Mga ngiti mo'y lumilitaw
Dahilan para ang puso ko'y matunawAlam mo bang tanging ikaw lang?
Ang kaisa-isang napupusuan
Sana ako'y iyong magustuhan
Para ako ay hindi na maguluhanIdadaan ko nalang sa
paggawa ng tula,
Ang nararamdaman ko na
hindi na mabura
Kahit alam kong para ako'y isang bula
Na sa iyong paningin ako ay isang
malaking WALA.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...