May mga bagay na kailangan kong iwanan,
Kahit hindi ko naman talaga ito kagustuhan.
Mahirap sumugal,
Pero kailangan kong magtagal.Pinili ko munang maging makasarili,
Iisipin ko muna ang aking sarili.
Bago ang iba na kahit kailan
hindi naman ako ang pinili.
Sa tingin ko'y sapat na ang aking mga naisayang na panahon.
Sa mga oras na ito, sarili ko naman
ang aking ibabangon.Salamat sa lahat,
Salamat sa mga alaala at
minsa'y pagiging tapat.Ngayon, ako muna.
Sarili ko muna ang aking inuuna.
Ako'y nakapag-isip-isip,
ano ba ang aking halaga?
Dati-rati ay puro nalang sila't wala ng iba pa.
Ngayon oras na para ang aking mga salita ay aking nang maisagawa.Pasensiya na sa aking mga
kailangang iwanan.
Ako lamang ay nasa kagipitan,
Kaya ang iba kailangan ko nang bitawan.Paalam,
Salitang kay hirap sambitin,
Ngunit natitirang paraan kaya aking gagawin.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...