Haligi ng tahanan,
Ito ang aking kailangan.Namulat ako sa mundo,
Halik at yakap ng aking ina
ang naranasan ko.Hindi ko ito pinagsisihan,
Ngunit ito'y aking pinagtakahan.
Nasaan ang haligi ng aming tahanan?Hindi ko man batid,
Alam kong sa aking ina'y
may nadaramang sakit.Ano ba ang nangyari aking ina?
Bakit ako lumaki ng walang
kalinga ng isang ama?Nais ko man magtanong,
Aking bibig ay nanatiling tikom.
Pilit inuunawaan kahit
gusto na ang impormasyon ay
malikom.Nasaan kaba aking ama?
Bawat aking lingon, hindi pa rin kita
makita.
Ito ba'y kapalaran ko na o
Sadyang hindi talaga ito
Nakatadhana.Hindi man naramdaman ang
yakap, halik, at gabay mo.
Alam kong higit pa ang pagmamahal mo
Sa salitang “Anak, mahal ko.”Medalyang gustong makamit,
Ito'y aking pinaghirapan
Upang sa iyong leeg ay maisabit.Dugo man o pawis,
Nais ko pa ring suklian.
Ang pagmamahal na sobra-sobra pa
Ang iyong binigay.
Kaya aking tagumpay,
Sayo'y gustong i-alay.Aking ama
Hindi man kita nakasama,
Alam ko may dahilan ka.
Pero ako'y umaasa na
sa dahilan na iyon.
Sa bandang huli,
Tayo'y magkakasama.Taeshi's Note:
This poem is dedicated to my friend. She's been longing to her father. She loves him so much even she never met him or be with him. I am proud to my friend. ❤Hi! MP. <- Initials mo nalang 'yung nilagay ko. Here's the poem. I'm proud of you, I hope you'll never change. Keep your feet on the ground and let's have a faith. Lovelots❤
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...