Bakit ba pinipilit?
Ang puso mong sawa
na sa sakit,Akala ko ba'y ikaw ay pinagpalit?
Bakit hindi ka man lang nakaramdam ng pait?Mahalin mo naman ang iyong sarili,
Bigyan ng kaunting halaga,
at pag-uunawa
Upang ang puso mo ay
Magkaroon na ng diwa.Lagi ka nalang pipi at bingi
Sa katotohanan
Na ikaw ay niloloko
niya lamang.Ikaw ba ay sadyang tanga?
O sadyang nagpapakamatay na?H'wag mong sugatan ang
sarili mong puso,
Huwag kang maghabol dahil
Iyon ang uso,Sundin ang sigaw ng puso
Para sa bandang huli
Hindi ikaw ang naghahabol na
Parang aso.Mahalin ang sarili,
Para matuto sa pagkakamali.
Pagkakamali ng kahapon
Na itatama ng bagong pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...