Definitely Inlove

33 6 17
                                    

Katauhan mo'y alam kong isang ilusyon
Pero hindi mapigil ang puso na hindi magkumbulsyon.
Panay sa pagpintig,
Tila kumakanta na parang may tinig.

Mga ngiti mo'y
parang hanggang langit
ang tuwa.
Dahil sayo ang puso ko'y ubod ng sigla.

Pag-ibig na ba ‘to?
O sadyang kay galing mo lang
saluhin ang puso ko?

Hindi ko mapigil ang kilig na nararamdaman.
Nais kong isigaw ang lahat
Pero parang gusto kong ikimkim
nalang ang lahat.

Hindi naman sa nahihiya
Kun'di labis-labis lang ang aking
ligaya’t tuwa.
Sana balang araw, ika'y aking makita.
Gusto ko lang masilayan ang mga mata
mo na kay ganda lalo na’t kapag masaya.

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon