Nang magising ako sa
mundong ito,
Hindi ko man nasilayan ang
tunay na aking kadugo,
Hindi ko pa rin pinagsisihan 'to
Dahil sa mga gabay at yakap mo.Ikaw na aking tanging sinasandalan
Hindi ako nagawang iwan
Kaya sa aking paglalakbay
Mga payo mo ang aking magsisilbing gabay,
Hindi man tayo magkawangis,
Hindi mo pa rin maaalis
Ang pagmamahal ko sa'yo na walang mintisHayaan mong sa'yo ialay
Ang aking pinaghirapan
Upang masuklian ang sakripisyo na
iyong pinagdaananTaon man ay lumipas,
Pagmamahal mo'y 'di kukupas.
Kaya habang tayo'y magkasama,
Habang tayo pa ay malakas.
Gusto kong iparinig sa'yo
Ang mensaheng aking ibibigkas."Buhok mo man ay pumuti, pagmamahal at pasasalamat ko pa rin ay may palamuti. Maraming salamat sa kay gandang alaala na hindi magkakalamat."
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...