🌸🌼

24 1 0
                                    

Mga salita'y mabulaklak,
Tila mas matapang sa alak,
Papuring di naman nais marinig,
Ngunit napakalupit
Ng kaniyang mga payo't malamlam na tinig.

Puso'y biglang tumibok,
Hindi malaman kung saan ba napasubok,
Kinakabahan tila bumubulusok,
Pintig ng puso'y tila kabog ng kabog.

Lamig na nararamdaman
Tila'y nawawala't nagpapaalam,
Yakap ang nais maramdaman.
Puso'y bukas at naghahanap
ng pagmamahal na mararamdaman.

Mata'y sarado, ngunit mga tainga'y bukas,
Humahanap ng isang lunas,
Mula sa emosyong gustong kumalas.

Panay bigkas
ng mga katagang pinapangakong
walang wakas.

Di malaman saan ba tatakbo't makakatakas
Nararamdaman ay sadyang kay lakas.
Anong liko, anong takbo,
Pagnahuli ka, wala ka ng laban
Masasabi mo nalang sa sarili mong puso
ay hayaan kang ipaglaban.

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon