----

24 4 0
                                    

Ilang taon kong itinago
Aking nadarama na sa una palang
Ako na ay nalilito.
Sa totoo lang, hindi ko naman ito ginusto.
Sadya sigurong puso ko’y nahulog nga ng husto.

Sinubukan ko ang lahat,
para lang maiwasan ang magtapat.
Ngunit hindi ko inaasahan na sa
dulo, sayo rin pala ang aking bagsak.

Dumating ang araw na kinain ko lahat,
ang aking binitawang mga salita,
ang itinagong lakas ng loob,
at ang natitirang kahihiyan.

Hindi ko inaasahan na
darating ako sa punto.
Tatayo ako sa’yong harapan,
at sasabihin ang aking tunay na nararamdaman.

At hindi ko rin inaasahan ang
iyong naging sagot.
Nakatatak sa aking isipan
ang matatamis mong halakhak.
Ang pagsabi mo ng mga katagang
hindi ko rin inaasahan.

Isinaad mo, “Ayos lang ‘yan,”
Una, hindi ko talaga maintindihan.
Pero lumaon rin, ako rin ay nalinawan.
Ngumiti ako sa’yo, humalakhak
din nang pagkalakas.
Sinabayan ka sabay sabing,  “Mahal kita.”

Hindi ko alam ang tunay mong nararamdaman.
Hindi ko rin alam kung saan ba ang tama kong paglalagyan,
Ayokong umasa, sa mga kilos mo.
Kasi maging ako, nasasaktan.
Ayoko ring mangarap,
Lalo na’t sa’yo ako nakaharap.

Hanggang ngayon, may parte ka
pa rin sa puso ko.
Hindi ka maalis, tila ika’y nakatatak.
Ngayon na nasabi ko na.
Hindi na ako takot, hindi na ako nalilito.
Hindi ko man alam saan ako liliko.
Ang alam ko lang,
Ngayo'y ikaw ay nakatatak, handa akong tanggapin ang masakit na pagbagsak.
Idadaan ko nalang ang lahat,
sa isang masayang halakhak.

Pero bago matapos ang lahat,
Ang nais kong sabihin sa‘yo.

Maraming
S a l a m a t

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon