Parating hanap-hanap,
Ngunit ikaw ay hindi mahagilap.
Nasaan kaba?
Tila ako ay puno ng kaba.Parang tumatakbo ang puso,
Nang ako'y lapitan mo.
Hindi na makatingin,
Sa mga matang mong
Hindi naman nakalaan sa akin.Ikaw ay hinahanap-hanap
Pero hindi ko mahagilap.
Dahil ang totoo,
Ikaw ay mailap.
Hindi dahil sa ikaw ay nasa ulap.
Kun'di dahil ikaw ay bulag at ako'y nagpapanggap.Nais sa'yong sabihin
Pero kaba ay nakaabang sa akin.
Takot ang nangunguna,
kaya sa huli ako'y wala ng pag-asa.
Sayo ay may nakakuha na.
Kaya hindi kana maaagaw pa.
Hanggang dito nalang,
Tatapusin ko na..
Ang totoong hindi talaga nakalaan..
Para sa akin.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...