Ako ay isa mong tagahanga
Na sa iyo ay nakatingala
Na laging sa iyo nakasuporta
Sa hirap man at ginhawaAlam kong ito'y mahirap
Ngunit dahil sa'yo ako ay nangarap
Nangarap na makasama ka
Kahit man iyon ay imposibleImposible para sa iyong tagahanga
Makita ka ng harapan ay sapat na,
Kahit ilang dagat pa ang tawarin
Ay kakayanin pa rin
Kagustuhan na ika'y makasama
At makita ay nais kong tuparinNgunit gaya nga ng aking sinabi,
Mahirap itong tuparin at ika'y mahirap abutin
Ako'y lupa at ika'y langit
Kamay ko'y nakaabot sa'yo
Naghihintay na iyong abutinImposible man, sana'y iyon ay mangyari
Kahit panaginipan man,
makasama ka lang
Ngiti ko ay abot na hanggang langitInuulit ko nga pala,
Ako ay isa mong tagahanga,
Na lagi sa'yong nakasuporta
Nagmamahal at nagpapaalala
Na sa puso mo'y h'wag sana akong mawala
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...