"Bituin"

83 10 3
                                    

Ako'y may pangarap
Na kasing kinang ng bituin
Pero katulad din ng bituin
Ito'y kay hirap abutin

Minsa'y nais ko ng sumuko,
Ngunit ang aking puso
Ay patuloy pa rin sa pagsubok

Pagsubok na ako man ay
nahirapan,
Marami naman akong natutunan

Sa kabila man ng pagsubok
Tuloy pa rin ang pangarap
Pangarap na minimithi
Na aking nais na tuparin

Hindi man ngayon
Alam ko na sa pagdating ng panahon
Pangarap ko'y hindi na bituin
Na kay hirap abutin

Malapit na mapasakamay
Ang susi ng tagumpay
Kaya kaunting sikap pa,
Ako'y magiging matagumpay

Tiwala ang aking dala
At pangarap ang aking lakas
Kung ito'y pinagsama
Ika'y may susi na patungo sa
pangarap na matagal ng nag-aantay

Balang araw
Hindi na uniporme ang aking suot
Kundi itim na toga na simbolo ng
Simula ng pangarap ko

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon