Minsan hangin, minsan ikaw.
Alam mo ba ako'y nalilito?
Sa'yong ikinikilos na
kay lito.Minsan ika'y parang mga bituin,
Sa paningin ko'y nagniningning.
Pero minsa'y ikaw ay bato,
Kasing lamig at tigas nito.Sa tuwing ika'y kausap,
Kadalasa'y pansin ko ang
iyong pagtamlay
Ganoon ba ako kasawa-sawa?
Para umasta ka na tila
wala ng buhay?Pero kahit ganoon ang
puso'y gustong manatili
Kahit batid kong hindi ako
ang 'yong pinipili.Balang araw, hindi man ako
Hindi man ikaw
Hindi man tayo.
Sana maging ako
Ang taga-tunaw ng puso
mong matagal nang
nagyeyelo.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...