Ngayon ko lang napagtanto,
Sa pinakadulo ng aking mundo.
Ako ay hihinto,
At magtatanong.
Hanggang saan pa?
At para saan pa?
Bakit nga ba?Hindi ko man naisin
Ganoon pa rin.
Walang magbabago,
Isa-isa lang silang naglalaho.
Tinanong ko ang aking sarili
"Bakit?"
"Bakit?"Bakit nga ba?
Bakit nga ba pipilitin kong ngumiti
Kahit ang totoo'y hindi ko na kaya,
Bakit ko nga ba pinipilit na tumawa
Kahit sobrang hirap na hirap na.Ah! Alam ko na!
Dahil ayokong masaktan sila,
Ayokong mag-alala sila
Ayokong maawa sila,
Ayokong mawala sila,
Dahil hindi ko kakayanin.Hindi ko kakayanin na mag-isa.
Kaya ipepeke ko nalang,
Mga ngiti, mga halakhak.
Kunwari masaya,
Kahit sobrang pagod at sakit na.
Ngiti pa rin, sayaw pa rin.
Tatabunan ko nalang ng ngiti,
Lahat ng aking pighati.
Puso ko man ay nahahati.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...