"Pinagtagpo"

23 3 0
                                    


Tayo ay nagsimula sa
aksidenteng hindi naman itinalaga
Una'y pakiramdam ay nasasakal
Kinalaunan hindi ko akalaing
tayo ay masasaktan.

Sa ating pagsisimula
Isa't isa kayang pang mawala
Pero habang tumatagal
Iniisip ng puso ko kung
hanggang saan magtatagal
Ang pag-iwas ng puso ko
na sa iyo ay magmahal.

Pag-ibig na hindi itinakda
Kaya tayong dalawa ay hindi itinadhana
Ano mang pilit,
Puso nating dal'wa'y mamimilipit.
Ayokong maramdaman mo ang sakit.
Ayokong mawala ka sa akin.
Kaya habang aking kaya pa,
Ibibigay sa'yo ang paglaya.
Hindi ko man nais sa'yo; ako'y mawala
Wala naman akong magagawa.

Alaala natin hindi lilimutin
Saan man ako aabutin
Ito ay aking babaunin.

Hindi ko man nasabi,
Kasinungalingan man ang
namutawi sa aking labi,
Hindi pa rin mapapawi
Ang pag-ibig ko sa'yo na hindi na mababawi.

Hindi mo man alam,
Sa mundo ko nalang ipapaalam.
Puso ko ay patuloy sa pagpintig
Dahil sa'yo lamang umiibig.

Hindi man ako naging makata,
Nais ko lang mag-iwan sa'yo ng kataga.
Ikaw ang aking mahal wala ng iba.

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon