"Labanan"

27 5 0
                                    

Pluma at papel ang aking hawak
Pag-iisip ko'y kailangan ay malawak
Alam kong ito ang aking propesyon
Kaya nais kong magkaroon ng inspirasyon.

Pag-aaral at pagsusulat ay aking libangan.
Ngunit minsan kailangan ko itong isantabi at libro ang hawakan.

Hindi naman sa sila'y mahigpit
Ngunit nais ko pa ring masungkit
Ang tulay sa pangarap ko para ito'y makamit.

Habang ako'y pilit na umuusad
Mga tao ay pilit akong hinahalintulad.
Kami raw ay may pagkakaiba.
Malamang, dahil hindi naman ako siya.

Pilit kaming pinaglalaban.
Kaya ang iba'y sumusunod at
pilit ding naghuhukayan
Ng kanilang sariling libingan.

Ang nasa taas ay hahatakin
Ang nasa baba ang siyang pauupuin.
Hatakan ang labananan.
Walang pakialam
Kung sinoman ang masaktan
Ang mahalaga lang para sakanila
Ay makuha ang sa tingin nila
Ay kayamanan.

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon