Ikaw ang laging nasa isip
Maging sa aking panaginip
Ito'y kataka-taka
Ngunit ang puso ko'y hindi
nagtatakaAno nga ba ang rason?
Puso'y patuloy sa pagtibok
na tila may lasonAkala ko'y sadyang ako'y may sakit
'Yon pala sayo'y gustong
mapalapitPaano iyon mangyayare?
Kung puso ko'y panay sa pagpipilipitSelos ang nararamdaman
Sa tuwing ika'y hindi nagpaparamdam
Atensyon mo'y nasa iba
Kaya napahiling na sana
Ako ay siyaMga ngiting dulot niya
Selos at pighati ang dalaMga pekeng ngiti na lang ang
nakapaskil
Sa puso kong kanina pa
nagpipigilSana iyong maramdaman
Puso ko'y naghihintay
Sa mga katagang
Akin ka nalang.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...