"Pagmamahal"

20 5 0
                                    

Pagmamahal, pagmamahal na
nais na suklian.
Nais na makuha ninoman,
At nais maramdaman ng buong
sanlibutan.

Pagmamahal na nagkalat sa
buong daigdig
Pero may mga tao pa rin na
gustong mandaig.
Hindi makunteto, kaya
nais manira ng tao
sa paggawa ng huwad na kuwento.

Pagmamahal na maaaring ibigay
Ngunit kadalasa'y hindi nasusuklian,
Puso'y nasasaktan
Hapdi at kirot ang nararamdaman

Atensyon niya'y pilit mong nais makamit
Ngunit kapalit lang nito ay ngiting kay pait
Ngumingiti ka kahit alam mong ito'y pilit
Para matago lang ang sobrang sakit.

Nararamdaman mo'y nais ipabatid
Pero ang bagay na kinakapitan
Ay malapit ng mapatid.

Hahayaan mo ba ang sakit?
O
Ngingiti ka nalang ng pilit?

Mahahawakan mo ang
kaniyang mga kamay
Pero hindi mapapasa'yo
ang puso niyang makulay.

Luha mo man ay pumatak,
Samahan mo nalang ito ng halakhak
At huwag ng pag-isipan na
uminom pa ng alak
Huwag mong hayaan ang sarili mong mapahamak
Ng dahil sa taong hindi ka naman ikagagaglak.

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon