Ako ay may isang kaibigan
inakalang maaasahan.
Iyon pala takbuhan lang ako
kapag may kailangan
At kayang-kaya lang akong iwan.Ako'y parating nag-aalala sakaniya.
Samantalang siya, kunwari
lang kung mag-alala.
Kay lakas niya manghingi
ng kailangan.Ako ba'y kaniyang tinulungan
noong ako ang may kailangan?Hindi naman ako bangko,
para maibigay ang gusto mo.
Ako lang naman ay hamak na
kaibigan mo.
Na hindi inaasahan na ako'y
kay daling iwan mo.Sa paglipas ng panahon,
Ngayon ko lang naisip
Ikaw ba'y plastik
Na parating peke't sip-sip?Pasensiya na sa aking
mga kataga,
Ako lang naman ay ilang
beses mong tinaga.
Kaya nais kong ngumawa
para malaman nila
ang iyong kalokohan na
pinaggagawa.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...