Paano ko ba sasabihin sa'yo na gusto kita?
Hindi ko rin alam,
Hindi ko alam kung paano.
Hinayaan ko nalang ang sarili ko na
tignan ka sa malayo.
Para kang isang makinang na bituin sa langit.
Ibang klase ang iyong ganda,
Maging ang iyong ngiti ay nakakasilaw na.Ngayon ko lang napagtanto
Ika'y pala ay masyadong malayo
Hindi kita kayang abutin
Hindi ko kayang tahakin
Ang mundo mo na alam ko
na ang isang tulad ko ay hindi nababagayKung sana'y parehas ang ating nadarama
Pero hindi,
Isang malaking kalokohan kapag Oo,
Kapag sumang-ayon ang tadhana
Kapag ang panaginip ay naging totoo na,
Dahil isang malaking kalokohan
Ang bigyan mo ng atensyon ang
isang tulad ko.Tulad ko na malaki ang kaibahan sa'yo,
Tulad ko na sa malayo lang nakatanaw
Hindi ka man lang kayang hawakan
O tignan sa mata
Dahil maging makita ka ng personal
Ay hindi ko pa kaya.Ilang beses ko bang naisip na makita ka?
Hindi ko na bilang,
Hindi ko na rin bilang kung ilang
beses akong tumanggi na makita ka.
Gaya nga ng sabi ko, hindi ko kaya.
Dahil alam ko, kapag nagdikit tayong dalawa.
Kung magtama man ang ating mga mata,
Pinaaalala mo lang na ika'y langit at
Ako'y lupa.
Wala eh, ganoon talaga.
Ang dami nating pinagkaiba
Pero 'yon ang nagustuhan ko.Yung iba ka sa panangin ko,
At sana iba rin ako sa paningin mo.Sana kapag nagkita tayo,
Ay mali!Sana kapag magtatagpo ang landas natin.
Sana kaya kong titigan ang iyong mata.
Yung ngingiti ka, hindi dahil sa ako'y tagahanga mo,
Kun'di dahil sa alam mong gusto kita,
At sa tamang oras, magustuhan mo rin ako.Isa 'yong pangarap, hindi ba?
Pangarap kasi kita,
Gusto kasi kita.
Pero alam ko naman na may hangganan eh.
Kaya, hanggang doon lang muna.Saka ko ipapakita sa'yo ang matamis
kong ngiti.
Kapag may napatunayan na ako sa aking
mga salitang hinabi.
Ayokong mangako,Dahil alam ko naman sa
bandang huli iyon ay maglalaho.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...