Ilang beses ko na bang sinabi?
Pero nanatili ka pa ring bingi.
Tila ika'y takot,
Sa mundo mong puno ng lungkot.Ako ang nagsilbi mong araw,
Pero dahil isa karing bulag,
Hindi mo ko masilayan.
Mga mata mo'y kay dilim,
Ang paligid mo'y sinakop niya na rin.Mga ngiti mo'y huwad,
Maging ang iyong mga halakhak.
Ilang beses na ba?
Ilang beses pa ba?Hindi kaba nagsasawa?
Sobra na,
Sobra na...Itigil mo na,
Tama na.Dahil sa bandang huli,
Umabot ka nang dulo,
Nasa hangganan kana...Wala pa rin.
Nasasaktan ka pa rin.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...