"Kaibigan"

48 5 3
                                    

Taong iyong masasandalan,
Taong iyong maiiyakan
At higit sa lahat taong parating nandiyan.

Pagkakaibigan na mas mahal pa sa isang ginto,
Magkakasamang binuo
Hindi lang para matuto kundi para rin sa nagpapahalagang puso

Tayo'y gumawa ng isang pagkakaibigan na ipinangakong magiging matatatag,

Pero bakit ngayon?
Tila may tumitibag?

Ayoko sanang may isang masaktan
At mga kamay ay masugatan
Ngunit bakit ganoon?

Kung dati-rati tayo'y nagpoprotektahan, ngayon ay naghahabulan sa mga basag na puso
Na hindi na natin namamalayan

Naging tikom ang bibig ng bawat isa
Kaya ang problema ay
naging malalim pa,

Paano tayo magkakaintindihan?
Kung pare-parehas tayong nagtataguan?

Luhang patuloy na pumapatak
Ang isang nakakubli ay pumapalakpak,
Ito'y natutuwa't nagagalak

Sa pagkasira ng tiwala,
Parehas na kamay ay pabitaw na

Nais ko sanang kayo'y kumapit
Ngunit ang isa'y nagpupumilit.
Tila siya'y nakakulong
sa isang hawla na kahit anong pilit niyang sigaw, para na lamang
itong bulong.

Tatlong pares na mga ngiti
Ngayon ay napapalitan na ng pighati,
Aking kaibigan, bakit pakiramdam namin kami ay nakikihati?

Atensyon mo ba'y ganoon kabigat sa bulsa?
Para kami ay mamalimos pa, sa katiting mong atensyon na sobrang halaga?

Sa ating tatlo, ang isa ay pilit na kumakapit habang ang isa naman ay hindi alam kung bakit pa kakapit?

Tuluyan na bang pagkakaibigan ay wasak?
O sadyang hahayaan mo lang kaming bumagsak?

***

TS/N: I want to dedicate this to my special friend. :) Hi! KylaShaneMadio
I know we have a lots of misunderstandings. But I want the three of us, stay strong. :) Aja! Let's fight.

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon