"Ating Wika"

19 6 0
                                    

Lupang aking pinagmulan
Ito ang aking sinilangan
Hindi ko man masambit
Aking ito'y pinagmamalaki

Sariling wikang
Aking gamit-gamit
Hindi ko ito ipagkakait
Hahayaan ipagmalaki
Sa buong bansa na puno
Ng ibang lahi

Iyong wika
Ito'y mahalin
Ito'y kinasanayan
Bakit hinahayaan
Na palitan ng makabagong
Salaysayin
At kasanayan

Oo, maganda ang kanilang wika
Pero meron tayong sariling salita
Hindi naman ito nakakasawa
Dahil ito'y laging gamit
Wala ng iba.

Maaaring mahilig sa
Iba't ibang salita
Pero huwag mong kalimutan
Kung saan ka nagmula
Dahil matagal na itong
Nakatalaga

Na ikaw ay isa sa magdadala
Ng sarili nating salita

Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon