"Tunay na may Likha"

21 4 0
                                    

Pluma at lapis ang iyong hawak
Paano mo mabubuksan ang iyong pakpak,
Maraming pagsubok ang
bigay ng nasa itaas
Sana sa paghihirap
Ika'y makalagpas

Emosyon at lawak ng 
imahinasyon ang puhunan
Para likha mo'y pagtuunan,
Kaunti man ang bumabasa
Sa kanila naman 
Ikaw ay pasado sa panlasa

Kakaunti man sila,

Lamang naman ang
pagmamahal nila
Sa iyong munting likha
Na ikaw ang orihinal na may gawa

Kaya mahalin ang sariling gawa,
D

ahil inalay mo ang iyong puso't diwa
Kung ang iba man ay puro dada,
Sila lang ay puno ng inggit at duda
Kaya walang ginawa
Kundi ang magnakaw
ng hindi naman nila gawa, 
Dahil sila ay uhaw at matakaw
Sa kasikatan na hindi naman 
mapapatid ang kanilang sakim na uhaw.







Deep MelodiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon