Hindi ka kaakit-akit
Pero hindi mo kailangan mainggit.
Aanhin mo ang kagandahan
Kung ang puso naman ay
puno ng pait.Maaaring ika'y naiinggit
Pero hindi ito sapat na rason
Para lagyan mo ng masamang lason
Ang puso mong pilit na bumabangon.Kadiliman, binalot ka man ng kasamaan.
Napuno ka man ng kasakiman.
Ako ay nandito lang,
nakahandang tumanggap kahit
Isinuka ka na ng lahat.Hindi mo kailangang mamilit,
Ako sa'yo ay kusang lalapit.
Basta't sakanila'y huwag kang mainggit
Dahil ang mararamdaman mo lang ay sakit.Ikaw ay kakaiba
Katangi-tangi
Sana makita mo ang sarili mong halaga.
Ikaw ay naiiba sa mga taong tiwala mo'y gustong magiba.
BINABASA MO ANG
Deep Melodies
PoetrySa pagpatak ng ulan, Kaalinsabay nito ang pagpatak ng luha ng isang sugatan. Hindi man kayang isigaw, puso nalang niya ang maghuhumiyaw. Sakit ang nadarama, lungkot ang hatid niya. Hindi man batid ng ninoman, nais niya lang inyong malaman. Na ang p...