Devon
Papalapit na ng papalapit ang school festival at papalapit na din ang araw ng pag alis ng GOT7 para sa tour nila.Palagi na din silang nag papractice pero nag tutungo pa din sila dito sa school.
Nasa pantry building ako ng school namin ngayun habang nag hihintay kay prof/chef para ipakita at ipatikim sa kanya ang nagawa kung cup cake at cake.Improving naman daw ako kahit papano.Madami syang itinuro sakin kung pano maging masarap ang mga binibake ko.Kahit sa bahay ay nag bebake din ako para hindi ako mapahiya pag ibebenta na namin ito ngayung festival week.Buti sana kung ako lang mapapahiya kung pangit ang lasa ng gawa ko.Kaming lahat mapapahiya lalo na si prof/chef namin kaya pinag bubutihan ko.
Habang nag hihintay kay prof/chef ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya. Medjo natatagalan daw sya dahil may binago nanaman daw na kung ano para sa school festival at nagkaemergincy meeting sila. Kaya heto wala akung magawa kundi ang ipagptuloy ang ginagawa ko hanggang sa dumating sya. Busy din naman ang dalawa kung kaibigan sa paghahanda sa gagawin namin sa festival.
Nakatitigako sa isang di gaanong kalakihang cake na nabake ko kanina. Anong design ba gagawin ko dito? Kung bakit naman kasi di ako na bigyan ng talent na mag design ng mga bagay bagay o pagkain eh. Heto't nahihirapan ako.
Naglalagay ako ng plane white icing sa buong cake habang nag iisip kung anong gagawin ko after ng icing ng may biglang sumulpot sa harap ko na ikinagulat ko.
"Mark! "
"Busy ah? "
Tanong nya habang nakatingin sa ginagawa ko. Habang ako naman ay napatingin sa paligid kung may ibang tao ba bukod samin. O kahit na sinong fan ni Mark. Pero mukhang wala naman. This past few days kasi may mga kumakalat na balibalitang may girlfriend daw ang GOT7 sa katayuang naming tatlo nina Chiena at Krissha dahil kami daw ang palaging kasama ng 7.
"Anong ginagawa mo dito? Baka may makakita nanamang fans mo maissue ka nanaman. "
"Sinigurado kung walang nakasunod sakin... Kaya chill.. Tsaka boring kasi dun sa studio wala akung magawa"
"Di ba kayo mag papractice? "
"Nagpapractice.. Pero puro kalukohan nanaman yung tatlo. Habang si Jackson nasa club nila Chiena magpapakamodel daw.. And Jinyoung and Krissha nagpapractice ng kanta nila.. Si JB kausap si Nora"
Mahabang sabi nya sakin habang tinutulongan ako sa ginagawa ko. Pero sino si Nora?
"Nora is his girlfriend.. Girlfriend nyang pusa na miss na miss nya na"
Natatawang sagut ni Mark na parang nababasa kung ano ang nasa isipan ko. Naalala ko na. May pusa nga pala si JB na wala sa dorm nila.
"Aahh... "
Patangotango kung sabi. Bored sya kaya andito sya. Di ko alam kung masisiyahan ako o maiinis. Parang sinasabi nya kasing clown nya ako kaya andito sya dahil boring na boring sya doon sa studio kung saan sila magpapractice. Masisiyahan dahil naisip nya talagang sakin pumonta imbis na itulog na palagi nyang ginagawa dati. Takaw tulog din ito eh.